Kabanata 8

4K 195 48
                                    

KABANATA 8

THE moment Keith was in front of Leon and his friends' table, he was speechless.

Ang akala niya, mag-isa ang binata ngunit nagulat siya noong mapagtantong nasa malapit lang pala ang mga kasama nito. Pare-parehong nag-aalala kung paano iuuwi si Leon.

"Hinahanap na 'ko ni Lyle, sino ba mag-uuwi kay Le?" ani Gian.

Kilala niya ito dahil madalas itong dumalaw sa klinika niya. Madalas kasing masira ng binata ang mga binibiling salamin. Katunayan, isa si Gian sa mga dahilan para mas patibayin ang frames ng mga salamin sa klinika niya.

"We can't," kaagad na sagot ni Zamiel. "I've been robbed of some sexy time! I refuse to deal with a drunk Leon!"

Humikab si Ridge. "Huh. Pinagsasasabi mo e pag-uwi natin, matutulog na 'ko. Magpalad ka muna, Zamiel."

"Tang ina mo! I didn't—fuck! Sarap mong sakalin."

"King ina alam naming ayaw niyong paistorbo kaya niyo nga kinaladkad si Kuya Keith dito, 'di ba?! Mga malalandi!" sabad ni Zachariel.

Keith's eyebrow twitched the second Zachariel regarded him as "Kuya". Bigla niyang gustong masuka.

Mula noon talaga hanggang ngayon, nakikita niya na banta ang existence nito dahil ito ang pinakamalapit na kaibigan ni Leon. Ang pinakamadalas na kasama ng binata sa kalokohan at mga wirdong shenanigan. Kaya kahit na isa pa rin itong nasa kalagitnaan na ng pagse-settle down, hindi mabago-bago ang pananaw niya sa binata.

Napatikhim siya. "Ba't ako ang mag-uuwi kay Leon? You didn't even ask him."

Malakas pa rin ang tugtog sa bar kung kaya pinilit ni Keith na lakasan ang boses niya nang marinig siya ng mga kaibigan ni Leon. Hindi pa naman siya sanay na nagtataas ng boses.

Si Ridge ang sumagot sa kanya, "we needn't to. Kanina ka pa niya hinahanap."

"What?"

Itinuro nito ang walang malay na Leon. "Like I said, kanina ka pa hinahanap ni Leon, Kuya Keith."

Keith's eyebrow twitched upon the registering the information in his head.

"Alam niyong malaki ang galit niyang kaibigan ninyo sa 'kin, 'di ba?" napapantastikuhan niyang sabi.

In fact, despite worrying for Leon, he would never dare volunteer himself to bring him home. Baka kung magising ito, mas lalo lang maging agresibo. Mabugbog pa siya ng wala sa oras dahil nga lasing ito.

Tumango si Ridge. "Yeah but like... he's been calling your name since earlier."

"Tama! 'Tsaka ikaw dahilan ba't naglasing 'yan 'no," sabad naman ni Zachariel.

Napaismid siya. "Imposibleng ako."

Lalo na at kahit kailan, alam ni Keith na hindi sasagi sa isip ni Leon na ma-stress o malasing dahil sa kanya.

Sino ba siya? Nobody lang siya sa malaking mundo ng binata.

"Seryoso nga kami?" saad ni Zachariel tapos hinila pa si Gian palapit sa kanya. "Ayaw mo maniwala, tanungin mo si Gian!"

Keith fixated his gaze at them funny. As if they are in the middle of some prank and are just waiting for him to fall onto their trap.

"Gagamitin niyo pa si Gian." Dahil sa totoo lang, ito nga ang pinaka-less likely na magsinungaling sa kanilang lahat.

Gian flinched before he started to gesture. "Pe—pero totoo! Nagra-rant si Leon tungkol sa 'yo, Doc Gaviola! 'Tsaka kanina ka pa niya tinatawag talaga."

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Where stories live. Discover now