Napatango si Harold, "totoo 'yan. Henyo rin ang isang 'yun kaya 'di nakakapag taka na nakakuha siya ng full scholarship."

Nagulat ako sa sinabi ni Harold, "full scholarship?"

"Oo. 'Di mo ba alam? Nag apply siya doon sa scholarship ni Mayor. Nakuha naman siya basta i-maintain niya lang ang grades niya. Mukhang nagagawa naman niya kahit parang hindi siya nag-aaral."

Biglang nag full stop ulit yung bus na sinasakyan namin at muntik na naman akong tumilapon pero muli akong hinawakan sa balikat ni Harold.

I heard him chuckled, "mahina pala ang balance mo, Miss President," he said teasingly as he pulled me near him. Hindi ako halos makahinga. My heart is about to burst. Hindi ako makapaniwala na sobrang lapit ko sa kanya ngayon. And I'm praying to God na sana hindi namumula ang mukha ko ngayon. Sana hindi niya mahalata na halos himatayin na ako dahil sa presensya niya.

Inalis niya ang pagkaka-akbay sa akin pero hinawakan niya yung top ng backpack ko as support just in case matumba ulit ako. Hindi rin siya humiwalay. Ang lapit pa rin niya. Too close to the point na I can smell his scent. Peppermint and fresh soap. I love his scent.

"Buti na lang nagkasabay tayo," he said, almost whispered.

Hindi ako umimik at napayuko na lang ako.

Sobra. Buti na lang nagkasabay tayo. My days became ten times better.

~*~

"So bakit kayo magkasabay ni Harold?" pang i-intriga ni Seb habang naglalakad kami papunta sa classroom.

Nakita niya kasi kami ni Harold na sabay pumapasok sa school grounds. Doon na rin kami nag hiwalay kasi need dumiretso ni Harold sa basketball gym bago ang start ng klase dahil may meeting daw sila ng team niya.

Parang kabute naman na sumulpot si Seb sa gilid ko at an gaga aga nang-i-intriga na.

"Nagkasabay kami sa bus," matipid kong sagot.

"Naks. Ganda ng umaga natin ah?" pang aasar niya. "Masaya ka naman."

"Oo," matipid kong sagot.

"Then why are you keeping a straight face?" takang tanong niya. "Patingin nga nang masaya. Isang ngiti naman diyan," he said habang pilit na sinisilip ang mukha ko.

I didn't give it to him. Hindi nagbago ang expression ng mukha ko at blangko pa rin.

"Tsk," palatak niya. "Hina naman pala ni Harold. 'Di ka kayang pangitiin."

Tinignan ko siya nang masama, "pag ngiti lang ba ang basehan ng pagiging masaya?"

Napangiti si Seb, "hindi naman. But it would be nice to see your genuine smile once in a while." Umakbay siya sa akin. Yung akbay pang tropa, at pilit ko siyang tinutulak palayo dahil ayokong may humahawak sa akin. Pero ang lakas ni gago ayaw patinag.

"Makinig ka," bulong nito. "May narinig ako na sabi nila, nakaka ganda raw ng mood pag ngumiti ang isang babae. Try mong ngitian si Harold, baka mabuo mo pa araw niya."

Bahagya akong napaisip sa sinabi ni Seb and I swear, I'm tempted to try it, pero naalala ko ang itsura ko pag ngumiti. No. Nope. Never. Baka kesa gumanda araw ni Harold, mabwisit pa siya sa pangit kong ngumiti.

Kinurot ko sa tagiliran si Seb at napasigaw siya sa sakit sabay alis ng braso niya sa pagkaka akbay sa akin.

"Aray ko!" sabi nito habang hinihimas ang tagiliran niya. "Ang brutal mo!"

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon