"Hahaha!"

"Teka, pinagkakaisahan niyo ko. Baka gusto niyo ko tulungan tumayo?" sabay abot niya ng mga kamay sa amin. Nagkatinginan kami ni Damon at sabay na tumango.

Nauna akong tumayo bago sabay naming nilapitan si Draco na lumapad ang ngiti sa amin at inaabot ang dalawang kamay.

"Sabi na di niyo ako matitiis--- Aray! Gago kayong dalawa!" naduduwal siyang napahawak sa tiyan ng sabay namin ni Damon na bigyan siya ng sipa sa sikmura.

Natatawa kaming nag appear ni Damon at tinalikuran si Draco pero sa totoo, inis na inis ako sa kaniya, sa mga naging desisyon niya na akala mo'y hindi nag iisip.

"Buti talaga di kayong dalawa nagkatuluyan eh noh. Sakit siguro sa ulo kung magkaka anak kayo." pang aasar ni Draco at hindi ko nagawang lingunin si Damon pero natanaw ko ang mapait niyang pag ngiti at mabilis na paghinga.

"Tawagin mo na lang ako kung tapos ka ng mag empake, huwag mo ng hintayin na abutan ka pa ni Dad." kalmadong sabi ni Damon at tuluyan na siyang umakyat sa itaas.

Nakagat ko ang ibabang labi at napabuntong hiningang napayuko pero agad akong napatalon sa gulat ng marahang pinisil ni Draco ang balikat ko, at nakatayo na siya sa gilid ko.

"Di pa rin 'yun nakaka-move on sa'yo. Ganda mo ah." sabi niya habang sinusundan ng tingin ang kakambal na paakyat.

Damon is my first boyfriend, my first love and my best friend. Isang taon din naging kami pero we choose to end our relationship ng mag simula na kami sa totoong laban.

Madalas kaming di magkasundo dahil sa tungkulin ko sa misyon. He wants me out to chameleon pero hindi iyon ang gusto ko, that's why we chooses to end our relationship and fulfill our duties, and besides mahigpit na ipinagbabawal sa kanila ang makipag relasyon kung 'yun ang magiging daan para masira ang focus nila sa organization. Ang hirap din dahil naging palihim ang relasyon namin noon.

All in all, hindi na masama ang loob ko. Past is past and I'm happy where and who I am right now.

Napa ismid lang ako sa sinabi ni Draco at akmang sisikmuraan siya ng isalag niya ang palad.

"Haha. Chill lang, Rivas. Alam kong hindi na si Damon ang mahal mo tsaka di kayo pwede. Siya ang papalit sa lahat ng iiwan ko."

"Sure ka na ba?" tanong ko at nag aalala ako para kay Draco.

Dalawa lang silang magkapatid at siya ang inaasahan na susunod na Chancellor pero dahil tinamaan ng pana ni kupido ang loko ay mabilis niyang tinalikuran ang lahat.

At maiiwan lahat ng tungkulin kay Damon, si Damon na siyang papalit sa pwesto ng ama.

Nakangiti akong inakbayan ni Draco at mas malapad ang ngiti niya ng sambitin ang pangalan ng isang babae.

"Oo, sigurado na ako. Wala na akong iba pang kailangan kundi si Dana at ang magiging anak namin. Kaya tara, tulungan mo ako mag empake." sabay kinaladkad niya ako at nagpatangay na lang ako kay Draco.

Minsan naiisip ko kung minalas ba ako na maging kaibigan ang isang 'to o sadyang malas lang siya dahil sablay ang utak niya.

"Tatalikuran mo ang lahat para sa isang babae?" ulit kong muli ng ilabas niya na ang maleta at walang alinlangan siyang tumango.

"Pag umalis na ako, umalis kana rin." paninimula niya at inirapan ko siya.

Imbis na tulungan si Draco ay umupo ako sa kama. Isinandal ang likod at humalukipkip siyang pinanood.

"At bakit ako aalis? Hindi mo naman ako kasama habang makikipag jugjugan ka kay Dana. Mag isip ka nga." mataray kong sabi na kinaismid niya.

"Mandiri ka, Rivas. Nakakasukang isipin na isasama kita dun."

Bloody PleasureWhere stories live. Discover now