41- The Fantasia Island ( Her Way )

7.6K 216 10
                                    

This chapter is dedicated to @NicoleGadayos @histo_oria @LizaJoySerador @jjangbie black_twice0808 Salamat sa votes, comments and follow 💛

Sana makaabot ng 5k ang story na ito😊
Enjoy reading!

_______________________________________________

Ford's POV

Kanina ko hinihintay ang unggoy na ito dahil tinawagan kami ng demonyo para sa isang assignment nakaraang gabi pa pagkatapos ng reception ng kasal at ngayong gabi ang sched namin para sa assignment na ito.

Hindi naman mahirap ang assignment dahil may kukunin lang naman kami sa anak ng isang mafia lord slash isang business tycoon para sa underground project namin...

Madali lang sa unggoy na nakangising naglalakad papunta sa akin ngayon ang kunin ito dahil mga kalahi nya itong pasaway at laman ng bar.

Sh*t! Sarap tusukin ng tinidor ni satanas ang mata nya.

"Yow, man! Isang tambak ng kapangitan yang mukha mo, anyare?" mahangin nyang tanong sa akin kaya lalong nakakainit ng ulo yang asta nya na yan... bwesit!

"Sapakin kaya kita! Umiscore ka na naman kagabi ano? Tingnan mo nga yang damit mong pulubing unggoy ka!"

D*mn, mukhang nag-overnight pa kagabi ng babae nya.

"Hahaha pangit mo kasi, mamaw" sabi nya at inakbayan ako

Mabilis ko naming winaksi ang braso nya at nauna ng sumakay ng kotse. Pumunta kami ng isang exclusive bar sa isang subdivision na pagmamay-ari ng isang mafia rin, this is a place where rich kids and high society people pumupunta gabi-gabi.

Pinakita namin ang VIP card na binigay sa amin ni Emp kaya walang sabi na pinapasok kami at wala nang ibang question kahit unang beses pa lang kaming pumunta dito.

Artists, singer, dancers, models, known names, politicians, maliban sa mga anak ng mga mayayaman ay sila ang mga nakita naming ng pumasok kami sa loob.

"High class nga ang place na ito, pati mga batang kilala ang mga pangalan ay lungga rin ito" unggoy

Kahit ako di ko naman akalain dahil ibang-ibang sila kung makikita mo sila sa TV at mga gawi nila ngayon. Nilampasan naming ang dance floor at makakapal na usok at naikarating kami ng VIP rooms.

Pasimple kaming nag-ikot pero hindi naming makita si Racel ang hinahanap namin, saan naman kaya nagsuot ang spoiled brat na iyon?

May nakita akong babae na sobrang eksi ng suot, mukhang laman ito ng lugar na ito kaya imposibleng hindi nya kilala ang katulad ni Racel.

"Hey, gorgeous. Have you seen-..."

"Racel? Are you guys with him?" putol nya sa sabi ko

Nagulat kami pareho pero sinakyan na lang namin ang sinabi nya.

"Yes, actualy kanina pa namin sya hinahanap" sabat ng unggoy sa tabi ko

"He was waiting for you, guys, pero nauna na sya at sunod na lang daw kayo"

Tumaas ang mga kilay ko sa sinabi nya, ibig sabihin ay wala ito dito ay may pinuntahan ito.

"S-Saan?" tanong ko sa kanya at tumawa sya ng mahina at hinipo ang braso ko

"You guys are so funny, as if naman na hindi nyo alam na magba-bar kayo sa Fantasia Island. Kahapon nyo pang plano yun diba"

The Devil Billionaire's Empress (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon