11- Changes ( Her Apology )

10.2K 349 66
                                    

This chapter is dedicated to my very supportive best friend @CessMieJea

I promised na three chapters lang everyday pero dahil sa may lakad ako bukas at sa pangungulit ng kaibigan ko ay ito na ang pang apat na chapter for today.

Enjoy!

_______________________________________________

Rhed's POV

Papunta ako ngayon kay Sally dahil nagyaya syang kumain sa labas, sakto lang naman na may kailangan ako sa kanya kaya pumayag din ako kaagad.

After two hours ng usapan namin at kain sa labas ay pumunta kami ng condo nya, umupo ako sa couch habang sya naman ay kumuha ng tubig sa ref. Maganda ang room nya dahil sa taas ba naman ng standard nya.

"Water?" Sal

"No, thanks"

Binalik nya tubig sa ref at umupo sa harapan ko.

"Anong blood type mo?" diretsang tanong ko sa kanya

"Type B, why?" Sally

"I need your blood samples, wag kang mag-alala dahil kunti lang kailangan ko" at kinuha ko sa medical kit bag ko

"No way! Baka may mahawa sa ganda ko at di ako papayag dahil rare ang dyosang katulad ko" at inirapan nya pa ako ng as in 360 degrees

"I need it for my actual demo, Sal, so you better shut up. I'll do venepuncture kaya relax lang"

"Pshh... as if I have a choice, siguraduhin mo lang na di masasaktan ang balat ko dahil mahal yan" Sal

Kahit kailan talaga napaka-spoiled nya, nilagyan ko ng rubber ang braso nya at nilinisan yung area na tuturukan at kinunan ko na sya ng dugo, ang mukha nya daig pa ang nanganak sa sobrang kaartehan nya.

"Done" sbi ko at niligpit na ang mga gamit ko

"Oh my, even my blood is so goddess" Sal habang hawak ang tube na naglalaman ng dugo nya.

Di ko nalang sya pinansin dahil mukhang sinasamba pa nya ang kagandahan nya hanggang ngayon.

Hapon na ng maka-uwi ako at wala pa rin si Davin at ang sabi ni Andrei ay gagabihin ito dahil sobrang daming trabaho nya. Sa garden lang ako tumambay habang nagbabasa ng manual dahil kailangan kong maghanda para sa training namin.

160 hours lang naman ang need ko kaya in one month ay matatapos rin ako kung tulo-tuloy lang, tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at past 11pm na.

Di ako makatulog dahil mukhang nasanay na ang katawan kong maghintay kay Davin tuwing gabi at wala naman akong nakikitang masama dahil asawa ko sya.

Namimiss ko na ang dagat, dati kasi every weekend ay pumupunta kami ni mama sa paborito nyang beach.

Gusto kong pumunta ulit doon kasama si Davin pero mukhang busy sya at walang time para mag-unwind, nakikinig lang ako sa music sa cellphone ko ng may naramdaman akong tao sa likuran ko.

"Davin" napangiti ako ng makita syang nakapamulsa habang nakatingin lang sa akin.

"I'm sorry if I'm late again" Davin

Lumapit sya sa akin at niyakap ako.

Butterflies...

Napangiti ako dahil di ko naisip dati na may soft side din sya dahil laging madilim na mukha nya na akala mo may bagyong paparating, niyakap ko rin sya ng mas mahigpit... how I missed this man kahit buong araw lang kaming di nagkita.

The Devil Billionaire's Empress (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon