15- The fall of the Devil ( His Way Back Home )

10K 302 32
                                    


I would love and appreciate if someone will share and recommend my story:)

Thank you!

Enjoy!

_______________________________________________

Rhed’s POV

Dahil may event na gaganapin mamaya ay medyo busy ang lahat sa pag-aayos at paglilinis ng function hall.

Ang sabi sa amin ng Director ay 3pm gaganapin pero di pa sigurado dahil busy ang bisita namin at mukhang sobrang importante dahil kahit sila ay parang kinakabahan.

“I need a hand” lumapit sa amin ang head nurse namin na mukhang pagod na

“I can help, Head Nurse” taas kamay kong sagot

“Thank you, Nurse Rhed”

Sumunod ako kay Head Nurse papunta sa stock room ng mga gamit, maraming mga nurse din dito ngayon na parang nagmamadali rin sa trabaho.

“Kailangan ng palitan yung mga beddings ng bawat room dito, si Nurse Nixie kasi ay pinatulong sa preperations sa baba”

“It’s okay, I can do this” naka ngiti kong sagot

“Thank you, maiwan muna kita”

Umalis na sya at naiwan akong mag-isa, medyo nakaramdam na naman ako ng bigat sa ulo pero hilot lang katapat nito.

Inumpisahan ko na rin magtrabaho para mabilis akong matapos baka kasi kailangan pa nila ng tulong.

More that twenty private rooms ang meron sa floor na ito at iba pa ang mga presidential room kaya mukhang matatagalan ako, mababait naman ang mga pasyente kaya okay lang sa kanila every time na mage-excuse ako.

“You are so pretty, Iha” sabi sa akin ng isang pasyente na babaeng medyo may edad.

Mabait sya kung titinganan ko palang, siguro nasa late 50’s palang sya, kasing edad lang ata ni mama.

“Thank you, Ma’am” nahihiyang sagot ko dahil ang lapad talaga ng ngiti nya sa akin.

“Don’t be shy, I just have a light feelings for you maybe because you are so pretty and I never had a daughter”

Natigilan ako sa sinabi nya, tiningnan ko sya at sobrang aliwalas ng mukha nya sa akin ngayon habang nakangiti. She is very pretty too at mababasa mo sa mukha nya ang kalungkutan at pangungulila.

“Wala po kayong anak?” tanong ko

Napatawa sya ng mahina at umiling sa akin.

“Not that, Iha, I have a two sons but never had a daughter”

Ako naman yung napatawa ng mahina, ano ba kasing iniisip ko. Hanggang ngayon pa rin ata ay umaasa akong hinahanap rin ako ng tunay kong mga magulang, how I wish na isang araw ay magpakilala silang magulang ko.

“Ang swerte nila na magkaroon sila ng mama na katulad nyo”

“No, I am the one who is very lucky to have them”

“Nasaan na po pala sila ngayon, bakit di nyo po kasama?”

“The other one is handling our business with my husband and the other one is working here”

Napatigil kami ng usapan ng may dumating na doctor at tiningnan ang vitals nya, ako naman ay pinagpatuloy ko lang ang trabaho ko sa kabilang bed.

Kailangan ko itong matapos bago maglunch.

The Devil Billionaire's Empress (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon