14- The Devil's Regrets ( Her Unwanted Nightmare )

9.6K 298 10
                                    

Thank you for a hundred reads!

Sorry na daw po sabi ni Emp sa last chapter, bawi sya sa next chapters :)

This chapter is dedicated to AngelaPalatino4

Enjoy!


_______________________________________________


Ford's POV

"Emp..." mahinang tawag ko kay Emp dahil pagdating namin ni Zedd kanina ay may mga basag na sa kwarto nya.

Kanina pa tulala si Emp at walang kibo, di namin alam ang buong nangyari dahil may pinagawa pa sya at yan na yung nangyari, mukhang nag-away sila ni Empress.

"S-She left" mahinang sabi ni Emp na nakayuko ngayon habang naka-upo sa dulo ng kama nya.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya, bakit umalis si Empress? Wag naman sana yung bagay na iniisip ko ngayon.

"Why?" Zedd

Biglang tumayo si Emp at nagulat kami ng basagin nya lahat ng mahawakan nya kaya napaatras kami ni Zedd.

"F*ckk!!! D*mn it!! D*mn it!!!... Id*ot!!"

Nagwawala na sya at nagsisigaw, pati couch ay taob sa kanya, yung mga shelves nya ng mga aklat at lahat-lahat.

Mukhang seryoso ang away nila, galit si Emp kanina dahil sa sinabi ni Mr. Travis na ginawa ni Empress kaya mabilis na umuwi sya para kausapin ito at mukhang pati ang asawa ay di sinanto ng kademonyuhan nya.

May napansin ako sa sahig kaya binuksan ko ang ilaw ng kwarto ni Emp dahil nakapatay ito kanina, tinanggal ko ang mga aklat na nakaibabaw at nagulat ako sa nakita ko.

Tiningnan ko ang mga paa ni Emp pero nakasuot ito ng sapatos...

Empress!

"I think she's bleeding, Emp" sabi ko kay Emp na natigilan at tumingin sa akin.

Pinakita ko sa kanya ang mga bubog na may dugo at may yapak ng mga paa mula sa dito palabas ng pintuan.

"Wife..."

Biglang tumakbo palabas si Emp at inagaw ang susi ng kotse kay Andrei, pinaharurot nya ang sasakyan at kami naman ni Zedd ay mabilis na sinundan sya.

Sobrang bilis ng patakbo ni Emp at ilang beses na muntik syang makabangga.

Nakarating kami sa bahay ni Empress pero nakapatay ang lahat ng ilaw sa loob at sa gate lang ang may ilaw.

"Wife!!!" sigaw ni Emp

Mukhang wala si Empress sa loob, gusto kong awatin si Emp dahil baka makilala sya ng mga kapit-bahay ni Empress at nagwawala sya dito kaso sa sitwasyon nya ngayon mukhang isang pagkakamali ko lang ay ako na ang susunod sa mga tauhan ni Vonger nakaraan.

Sinipa ni Emp ang gate at nasira ito, may mga asong tumahol mula sa kabilang bahay dahil sa ginawa nya.

Pumasok kami sa loob at binuksan ko ang mga ilaw pero walang tao, umakyat kami ng kwarto ni Empress pero wala rin sya doon.

Yung loob ng kwarto ay mukhang di pa nagagalaw ng ilang araw na kaya imposibleng nandito sya. Inikot ni Emp ang buong bahay pero walang Empress.

Umalis si Emp at pinaharurot na naman ang sasakyan, alam ko ang daanan na ito... papuntang beach na pinuntahan nila nakaraan lang, pagdating namin ay may nilapitan ng matanda si Emp at nakita kong umiling yung matanda.

The Devil Billionaire's Empress (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon