26- The Enemie's Role ( His Deceiving Plan )

Start from the beginning
                                    

“Wife... w-why?.. f*ck!... h-how did you know about this?”

“I heard you” mabilis na sagot ni Empress na kinakunot ng noo naming tatlo

“Noong tanghali ng sabado na pumunta ako ng office mo, while you were talking with someone on the phone but I acted like I didn’t hear it” Empress

Napatingin kami pareho kay Emp na nagulat din sa sinabi ng Empress.

“You heard that?” Emp

“Yeah... and I knew Niki before dahil close sya sa patient ko sa VVIP section, at nung makilala ko sya naramdaman kong may iba sa kanya. Di naman ako tanga para hindi mapansin ang wig na suot nya dahil babae rin ako, Davin. So, I put my eyes on her every time na hindi nya napapansin”
Natahimik kaming lahat na nakikinig lang sa kanya...

“I noticed both Zedd and Ford even before sa hospital kaya iniisip ko na noon pa ang tungkol sa next project nyo. Kaya nilagay ko ang pen sa bag ng dalawang ito na galing sa patient ko, I wasn’t sure about it kung sya talaga ang hinanap nyo but I had my hunches. Siya lang naman ang taong may ibang kinikilos sa hospital na iyon, plus the fact that she was wearing wig so I doubted her identity”

Napakagat ako ng labi at si Emp naman ay sobrang lalim ng iniisip habang nakatingin sa asawa. So, all this time ay alam ni Empress ang lahat pero naging tahimik lang sya kaya kahit asawa ay hindi nakapansin sa mga nalalaman nya.

Napatingin kami pareho sa pen na hawak ng mamaw dahil kanina lang ay di namin alam kung kanino galing ito at  ngayon alam na namin... kay Empress.

Di pa rin kami makapaniwala sa ginawa nya para mahanap namin si Dominic.

“I promised not to involve you with these things, Wife. I don’t want to put you in danger” Emp

“I know, Love” Empress

Ang kaninang madilim nyang mukha ay nawala at napalitan ng malambot nyang mukha habang nakatingin sa Empress, mukhang talo ng endearment ang Emperador namin ah! Kung wala lang sana kami sa sitwasyon na ito ay gusto kung matawa.

Mabilis kaming napayuko kaagad ng niyakap nya ang asawa... tokneneng naman oh!

Mamaya na kayo maglampungan oh!

Maawa naman kayo sa mga mata namin.

“Don’t do that again, okay?” Emp at tumango si Empress

Napangiti kami pareho ng mamaw dahil sa mga inaakto ng demonyo ngayon. Pero mabilis na sumeryoso kaming dalawa ng tingnan kami ng masama ni Emp, mukhang reward time na namin.

“Can you please close your eyes, Wife?” Emp

Kahit naguguluhan si Empress ay sumunod nalang ito, kasunod ay naramdaman ko ang malakas na pagtama ng kamao sa mukha ko, grabe ang sakit!

Tiningnan ko ang mamaw na nagpapahid ng dugo sa tabi ng labi nya, pareho kaming napangiti pagkatapos kaming suntukin pareho ng demonyo.

“Consider yourself as lucky, nothing’s happened to my wife” Emp at hinila kaagad si Empress palabas.

Napadura ako ng dugo sa sahig, mabuti na lang at ito lang ang inabot namin. Sumunod kami sa kanila sa entertainment room at naka-upo ngayon sila sa sofa.

Nagtaka kami ng kinuha ni Empress ang cellphone nya at may pinakitang mga pictures sa amin, pagtingin namin ay mga medical records ito ni Dominic at ng isa pang babae... Vianne Castillo?

“Kanina ay tiningnan ko ang mga records ng patients dahil ako naman ang nagsort-out ng mga ito and I took them. Her name in her records is Niki Huo, at babae talaga sya and just covering her identity as Dominic but I don’t know the reason”

The Devil Billionaire's Empress (COMPLETED) Where stories live. Discover now