“Pare, do you need help?” ang ingliserong pulubi..

“Nag oofer ka ba ng tulong o humihingi ng tulong sa akin.. (biglang bumunot ng pera sa bulsa si Ryel..) oh eto piso..” ang sabi ni Ryel sa pulubi at sabay inabot ito sa palad nia..

“Excuse me, I didn’t ask you to give me money, im offering help for you..di mo ba ako kilala ah??? Mukhang minamaliit mo ata ako..” ang pagyayabang ng pulubi..

“ah nag ooffer ka ba? Bakit kabisado mo ba tong payphone na to ah? At sino ka po ba?” ang sabi ni Ryel

“Well ofcourse, dito na ko nakatira sa kalye at kabisado ko ang payphone na yan kahit wala akong tinatawagan..bago ang lahat papakilala ako.. Ako lang naman ang Hari ng Kantong ito.. My name is Don Pulubi..dont forget, capital D-0-N, Don Pulubi..” ang sabi ng pulubi sabay hithit ng sigarilyo at binuga sa mukha ni Ryel..

Naubo bigla si Ryel at sabay sabing “ ok Don Pulubi, twagan mo tong number na to please, di ko alam ang password na sinasabi nia..” ang sabi ni Ryel..

“ok, no problemo!!” ang sabi ni Don Pulubi..

May pinindot lang si Don Pulubi sa gilid nito at saka maraming numero din siang napindot hanggang sa may sinabi si Don Pulubi kay Ryel.. “oh pare inaask nia na name mo.. ano ba name mo?” ang sabi ni Don

“Nyemas! Doon na nga lang ako sa ibang payphone, ang daming arte naman niang payphone na yan..” ang inis at inip na sabi ni Ryel

“Ano ba? Itutuloy mo ba to o hindi na? may mobile ka naman dyan eh..” ang sabi ni Don

“eh ayaw ko nga malaman nia na ako tumatawag..” ang sabi ni Ryel

“edi magtiis ka, ano sabihin mo na kasi name mo nang makausap mo na sia, inaask na ng operator..” ang sabi ni Don Pulubi.

“Ryel.” Ang sabi ni Ryel

“Ryel.. R for Arabia..” ang sabi ni Don na naudlot dahil biglang nagsalita si Ryel

“Anong Arabia pinagsasabi mo?” ang pagtatakang sabi ni Ryel

“Eh sabi spell ko daw phonetically.. R for Arabia? Mali ba yon ah? Wag ka nga epal! Manahimik ka dyan.. tinutulungan ka na nga eh..” ang sabi ni Don Pulubi..

“Bahala ka nga dyan.. “ ang sabi uli ni Ryel

“R for Arabia, Y for Wi-fi…--“ ang sabi ni Don na naudlot uli

“anong wifi? Adik k aba? Y nga eh edi dapat yummy!” ang sabi ni Ryel

Tumingin mula ulo hanggang paa si Don pulubi at saka nagsalita ng “yummy ka ba? Haller!!” sabay isnab at bumalik sa kausap sa phone..

“R for Arabia, Y for Wi-fi, E for igloo—“ ang sabi ni Don pulubi na naudlot na naman

“Anong igloo!! E for elephant!! Ano bang klaseng pag iispell yan ah!” ang inis na sabi ni Ryel

“Ano ka ba ah besaya..”E” nga eh edi IGLOO, anong Elephant, besaya! Gusto mo bang matapos na tayo dito ah, wag ka na lang mangealam kasi” ang pang aasar ni Don

“osha sige na, bahala ka na.. bilisan mo na’t gusto ko na sia makausap..” ang sabi ni Ryel

“R for Arabia, Y for Wi-fi, E for igloo and L for Elephant..” ang sabi ni Don

Maya maya nagring na rin ang phone at inabot na rin ni Don Pulubi kay Ryel..

“Hello---“ ang sabi ni dette sa kabilang line..

Hindi matuloy tuloy ni Ryel ang sasaabihin nia kaya nakatatlong beses pa ng hello si dette..

“hello—“ nagawang makapagsalita na rin ni Ryel sa kabilang line..

“Hello sino to?” ang sabi muli ni dette..

“ako si---“ ang sabi ni ryel at di nia natuloy ang sasabihin nia dahil biglang may narinig sia sa kabilang line..

“Dette, look at this dress, isn’t nice? Try it! Im sure bagay to sayo…” ang sabi ng lalakeng boses sa kabilang line..

“wow!! Awesome!’ ang sabi ni Dette na biglang nawala sa isip nia na may kausap sia sa phone at naiwan niang bukas..

“oooppz im sorry to interrupt you, may kausap ka ata sa kabilang line?” ang sabi ng lalakeng ksama ni dette

“nope! Its ok, di naman sumasagot eh. Anyway close ko na..” ang sabi ni Dette at saka dinrop nia na ang call..

“oh ok… sige tara, don naman tayo cousin, nag enjoy tlga akong makabonding ka, tagal na rin nating di nagkita, biruin mo non, 10 years old pa lang tayo nung huling nagkasama tayo..” ang sabi ng cousin ni Dette pero di na iyon narinig pa ni Ryel

..

Sa kabilang banda..

Pagkadrop ng phone ni dette nanlumo naman itong si Ryel.. sabay biglang nagsalita ang operator sa payphone ng “Thank you for using our Payphone Awie!” biglang nanlaki ang mata ni Ryel sa pagkagulat dahil tinawag siang Awie, yun ang nabuong name ng nag spell phonetically si Don Pulubi..

“Dyuskupu!! Ang tagal nating nagtalo sa payphone na to, hello at ako si lang ang namutawi sa labi mo!! Millennium na parekoi! Dakilang torpe ka pa rin!” ang pang aasar ni Don pulubi

“manahimik ka dyan!” ang sabat ni Ryel at naiinis pa rin ito..

“Tingnan mo nga itsura mo sa itsura ko, araw araw kang naliligo samantalang ako once a month at kung sinusuwerte kapag umuulan lang ako nakakaligo pero dude! Talo kita pagdating sa chicks! Di na mabilang ang mga girlfriends ko! Hahah!” ang pang aasar ni Don Pulubi..

Inabot muli ni Ryel ang pera sa palad ni Don pulubi at sabay sabing. “maghanap ka na lang ng kausap!” ang sabi ni Ryel sabay alis..

“Pag need mo ng tutorial pano maging chickboy! Andito lang ako parekoi! Murang mura ang tutorial fee ok?” ang sigaw at pahabol ni Don Pulubi..

Sa kabilang banda..

Nakabili na rin ng singsing si Aldrin, sumakay na rin ito ng bus ngunit punuan kaya nakatayo lang ito..

Nasa harapan ni Aldrin ay babaeng mataba na natutulog at kita ang cleavage na parnag pwet ng bata..

Habang traffic at matagal tagal ang biyahe, sinilip muna nia ang binili niang singsing..

“Wow! tiyak mapapa oo ko na si Anna nito, sa ganda ba naman ng singsing na to.. hehe” ang sabi ni Aldrin sa kanyang isip..

Biglang pumreno ng malakas , nalaglag ang singsing at shoot na shoot sa dibdib ng babaeng nasa harapan nia na natutulog..

Lumusot sa gitna ng dibdib..

Paano nia na ngayon kukunin ito?

PAKNERS IN CRIME (COMEDY) by Athena Adamas [ongoing series]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum