25th

6K 137 9
                                    

AN: Yung mga naka-italic po ay flashback :)


May Sinabi Ba Ako?


"Oh my God! Really Kim? I'm invited sa anniversary party ng company nyo?!" tanong sa akin ni Catha habang titig na titig sa golden invitation na ibinigay ko sa kanya.


"Oo nga. Free ka ba sa date na yan? Kung hindi ok--"


"Ofcourse!!" sigaw nya "I'm free. Free as a bird."


Nangiti lang ako sa reaksyon nya.


"Clarence will come too diba?"  biglang tanong nya.


"Oo--"


"YES!!" napanganga ako sa OA nyang reaction "Tell him! Tell him to be my date. Pleasee!!!" at tuluyan ng nalaglag ang panga ko sa sahig.




"Why?" may diin sa tanong ni Clark.



"You deserve someone better than me. You know parang si.. Catha? Oo tama si Catha nga, she's pretty, talented and smart. She's a good catch."


"Paano kapag ayaw ni Clarence?" tanong ko kay Catha na busy sa pagsuklay sa buhok ko.


"Pilitin mo. Make him like me."



"Are you serious? Gusto mong idate ko si Catha instead na ikaw?"


Tumango lang ako bilang sagot sa kanya feeling ko kasi hindi ko kakayaning sabihin ang salitang 'Oo' dahil kabaligtaran nun ang gusto ko talaga.


"Okay." sabi nya sabay talikod at alis.


Naiwan akong giniginaw at nilalamok sa garden.


Ayun na oh nasa harap ko na. Ako na mismo ang inalok na maging date nya that nigth but I just let that priveledge to slip away. Tama ba ang ginawa ko? Masaya ba si Clarence sa naging desisyon ko?


Ng mga sumunod na araw naging busy ako sa pagtake ng mga quizzes at pag-aaral ng lessons na namiss ko dahil sa pagsama ko kay Clarence sa pagpeprepare.


Hindi na rin sya bumisita sa mansyon after ng usap namin sa garden. Galit ba sya? Hmp palagi namang galit yun, ano pa bang bago? Normal na nya yun.

Training the Next HeirWhere stories live. Discover now