48th

5.2K 99 1
                                    

AN: Dedicated sa aking Bhabes. Happy Birthday Bhabes. Woooah Party Party!

_______________________________________


I Love You Too


Happy morning!


Nararamdaman ko na kumukulo ang dugo na nanalaytay sa aking mga ugat.


This is the day. Ang araw na magsasama ang balat sa tinalupan sa oras na makita ng dalawang matang bigay sa akin ni Catha na si Clark ay may kasamang ibang babae bwahaha--cough cough


Dumiretso ako sa kusina. Kailangan kong kumain para mayron akong lakas sunggaban at sabunutan kung sino mang babae ang maglalakas loob na landiin si Clark.


"Señorita? Ano pong meron? Bakit ganyan ang ayos nyo? May costume party po ba kayong pupuntahan?" Tanong sa akin ni Princess habang nag-aalmusal ako.


Linunok ko ang pagkaing nasa bibig ko bago sya sagutin.


"Ang tawag sa outfit na 'to ay 'Lagot-kang-babae-ka-kapag-nahuli-kita outfit."


"Babae? Huhulihin? Police po ba kayo señorita?"


"Mas matindi pa ko sa police." Pinalapit ko sya at ibinulong "Secret agent ako."


"Secret agent?!"


"Shhh 'wag kang maingay baka may makarinig."


Tinakpan nya ang bibig nya.


"Promise po señorita. Wala po akong pagsasabihan."


"Good. Apir tayo."




"Ay nga pala señorita may nagpadala po ng bulaklak dito. Allergic po kayo sa flowers diba." Tumango ako "Itinabi na po namin yung mga bulaklak. Ito po yung card." Nagpunas ako ng bibig bago ito kinuha.


Binali-baligtad ko yung card pero wala akong nakitang nakasulat kung kanino galing yung mga flowers.


Si Clark kaya nagpadala nun? Pamysterious pa. Alam nyang bawal sa akin yun ah. Hmmp kahit ilang bulaklak pa ang ipadala nya walang makakapigil sa'kin.




Nagpunta ako sa opisina ni Clark at napag-alaman kong may early breakfast meeting daw ito. Sino naman kaya ang kameeting mo? Hmmm


"Señorita sigurado po ba kayo sa ginagawa nyo?" Tanong sa akin ni Kaloy na driver ko.

Training the Next HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon