20th

6K 159 8
                                    


Exact

Kunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang picture ni Clark sa phone ko. Bakit sya may selfie sa phone ko, hindi ko din alam? Nakita ko lang 'to nung isang gabing kinalikot ko ang phone ko habang najebs.

Hindi ang misteryong iyon ang kinakakunot ng nood ko. Tsaka ko na iso-solve yun.

Patagal ng patagal ang titig ko. Mas lalo kong nako-convince ang sarili ko na tama ang hinala ko.

Magkamukhang magkamukha talaga sila kahit saang anggulo ko tingnan. They are exactly the same.

Sa ilong, sa mata, sa bibig, sa kulay ng buhok. Maliban na lang sa yukot na noo, medyo nakalamang yung kakambal ni Clark dun.

Alam kaya ni Clark na may kakambal sya?

Oh my god!

Hindi kaya nung bata pa sila pinaglayo silang dalawa ng mga magulang nila dahil sa kahirapan ng buhay at napunta sa mayamang pamilya yung kakambal ni Clark na si Clarence.

Kawawa naman yung si Clarence dahil hindi nya nakasama ang tunay nyang pamilya pero sa kabilang banda swerte pa rin naman sya kasi mayamang pamilya ang umampon sa kanya. *tango-tango* mabuti pa sya rich kid, yung kapatid nya sarap i-kick.

Talaga palang nangyayari yun sa totoong buhay.

Matapobre kaya yung kakambal ni Clark? Mas masungit kaya sya? May attitude din kaya? Hmm--

*Tok! Tok! Tok!

"Señorita?"

"Pasok po."

"Bakit hindi ka pa nakabihis? Hindi ka ba papasok ngayon?" pumasok si Nana Bel na may dalang fresh flowers at pinalitan yung mga bulaklak na nasa mini sala nitong kwarto ko.

"Hindi ko na po kailangang pumasok tinapos ko na po lahat ng exams ko nung first day." nakangiting sabi ko habang umaayos ng upo sa kama at pasimpleng kinakamot ang ilong ko. Kailan ba ko huling nangulangot?

"Ah ganun ba. Oh siya, sabihin ko kay Clark na hindi ka papasok ngayon." akmang palabas na si Nana ng pigilan ko sya sa pamamagitan ng pagtalon mula sa kama papunta sa pwesto nya na malapit sa pinto. Imagine that, ang layo ng narating ko diba. #gymnast

"Si Clark po nandyan?!!" gulat na gulat ang matanda.

"Susmaryosep kang bata ka!" hawak nya ang kanyang dibdib "Oo, kanina pa sya sa living room hinihintay kang bumaba yun naman pala'y wala kang pasok--"

Patakbo kong tinungo ang living room kung saan daw ako hinihintay ni Clark. Excited akong ibalita sa kanya yung nadiscover ko hehe

"CLARK!!" sigaw ko.

As usual, busangot ang feslak nya.

"Hindi ako bingi 'wag kang sumigaw. At bakit hindi ka pa nakahanda? Alam mo ba kung anong oras na? You're late--"

"Don't worry Clark wala akong pasok. Tapos ko na lahat ng exam ko." tinapik ko pa ang balikat nya na may halong pagmamalaki.

"I'll go ahead then."

"T-teka saan ka pupunta?" hinawakan ko ang braso nya.

"Aalis. Hindi ka papasok diba?"

"Oo sinabi ko nga yun pero hindi naman kita pinapaalis." napahawak ako sa dulo ng buhok ko, iniisip ko kung anong bwelo ang gagawin ko para masabi kay Clark ang nakakawindang na katotohanan sa buhay nya "May sasabihin ako sa'yo."

Hinarap nya ako na nakakunot ang noo.

"What is it?" habang inilalagay ang kamay nya sa magkabilang bulsa ng pants nya.

"Huwag kang magugulat Clark pero kasi nakita ko--" sinadya kong putulin ang sasabihin ko at tiningnan ang reaksyon ni Clark pero as usual pokerface sya "May kakambal ka. Nakita ko."

"What?!"

"Ang bingi naman nito." bulong ko.

"Sinong bingi?" aba't ngayong bumulong ako narinig nya. Ibang klase.

"Ang sabi ko may kakambal ka, twin broooother."

"Are you joking?" natatawa nitong sabi.

Saang part ng sinabi ko ako nagjoke, ang gulo minsan ni Clark, ano.

"Clark naman e. maniwala ka naman sa akin kahit ngayon lang oh. Para sa'yo naman 'tong ginagawa ko e. Para mareunite na kayong magkapatid."

Naiiling-iling na lang si Clark sa harap ko halatang pinipigilan nya ang sarili nyang matawa ng malakas.

"Oo na nainiwala na ko sa'yo 'wag ka ng magpacute pa sa akin." ginugulo nya ang buhok ko at mabilis ko namang tinabig ang kamay nya.

Kumunot ang noo ko habang titig na titig sa napakagwapong mukha ni Clark, mas lalo syang gumandang lalaki sa pagngiti nya ngayon.

Napansin kong may kakaiba kay Clark. Maliban sa he's smiling, aleluyah.

Inikutan ko sya at inobserbahang mabuti. Sa itsura walang dudang si Clark nga 'tong kaharap ko pero sa ugali may pagdududa ako. Ang bait ng Clark na kaharap ko.

"Ikaw ba talaga si Clark? Tell me, Clark ba talaga ang pangalan mo?" nawala ang naglalarong ngiti sa kanyang mga labi.

Huli ka balbon!! Sinasabi ko na nga ba't sinasapian ng mabait na espiritu itong si Clark.

Pinanliitan ko sya ng mata habang dinuduro-duro sya

"Tigilan mo na ang panloloko sa akin at sabihin mo kung sino ka talaga? Hindi ako padadala sa pangiti-ngiti mong yan."

"I need to go."

"Hep hep." hinarangan ko ang daraanan nya "Not so fast Mr. Nice Guy." inilabas ko ang itinatago kong rosary sa bulsa ko, buti na lang at palagi kong dala 'to.

"Kung sino ka mang nananahan sa katawan ni Clark lumabas ka! Hindi kita hahayaang gamitin ang katawan nya kahit mabait ka! Sa ngalan--" binuhat nya ako na parang sako at iniakyat sa hagdan kaya hindi ko natuloy ang pagpapalayas sa espiritung sumasapi sa kanya.

"Seriously? Anong mga movie pinapanood mo noong wala ako?"

"Ibaba mo nga ako. Hindi pa ako tapos sa'yo." nagpupumiglas ako sa hawak nya pero dahil sadyang mas malakas sya wala na akong nagawa.

Ibinaba nya ako sa kama at bumalik sa pinto para ilock ito.

"Alam mo hindi ko talaga makuha kung matalino ka o may pagka.." iniikot nya yung daliri nya sa tenga nya. Sinasabi nya bang may tulok ako? Aba aba.

"Huwag mong ilipat sa akin ang usapan." itinaas kong muli ang rosary na hawak ko.

"Put that down, will you. Wala naman akong sapi."

"Eh bakit ang bait mo? Ang Clark na kilala ko masungit hindi ngumingiti, kung ngingiti man sya nakakapangilabot. Tapos lagi pa yung nakasigaw parang nakalunok ng megaphone."

"Ganyan ba talaga si Clark?"

Tinanguan ko lang sya.

"Okay sige. You win." taas kamay nyang sabi.

Bakit ako nanalo wala pa naman akong ginagawa sa kanya. Ang bait namang espiritu nito. Hindi talaga sya karapat-dapat sa katawan ni Clark.

"Aamin na ako na hindi nga ako si Clark."

"Sino ka!?" sigaw ko pabalik habang mahigpit na nakahawak sa rosaryo.

"I'm Clarence. Clarence Anicholas Alegre to be exact."

Training the Next HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon