33th

5.6K 111 7
                                    

Everything

Awkwardness is in the air.

Tahimik lang kaming kumakain habang nakikinig sa mga kwento ni Catha. Hindi ko masundan yung kwento nya, medyo magulo kasi sya magpaliwanag. Kaya itinuon ko na lang ang atensyon sa pagkain. Si Steven aliw na aliw sa pakikinig sa mga kwento nya, pati si Clarence *pout

OP na ko dito. Uwi na lang kaya ako. Pero ako nagyaya tapos aalis ako bastos naman tingnan yun. Teka gawa gawa nga lang pala ni Catha yun! Pero nakakahiya kung bigla bigla na lang akong magwowalkout dito. #pampam

Bigla akong nakaramdam ng hilo dahil siguro sa pagod. Teka saan nga ba ako napagod? Tama sa init siguro 'to kanina nung namamalengke kami ni Manang. Napabuntonghininga ako dahilan para makuha ko ang atensyon nila.

"Hey. Okay ka lang?" inilagay ni Steven ang kamay nya sa taas ng sandalan ng upuan ko kaya parang nakaakbay sya sa akin, na hindi.

"Huh? Oo okay lang ako. Sige usap lang kayo dyan." sabi ko ng nakangiti.

Napaigtad ako nang hawakan ni Clarence ang kamay kong nakapatong sa lamesa dahilan para mabitawan ko yung kutsarang hawak ko.

"Are you sure you're okay?" tanong nya.

"Ofcourse she's okay." singit ni Catha.

Bumuntong hininga ako bago sumagot at tinitigan sa mata si Clarence.

"Hindi ako okay." humigpit ang hawak ni Clarence sa kamay ko at umayos ng upo si Steven sa tabi ko.

"Come on. I'll drive you home." hinila ako ni Clarence patayo pero hindi pa ako tuluyang nakakatayo ng hawakan ni Steven ang braso ko at hinila naman ako paupo.

"No. She's staying here..with me. I'll comfort her."

"Ah-eh.." speechless ako sa nangyayari.

"Let her go." matigas na sabi ni Clarence.

"No! You let her go." dinuro ni Steven si Clarence at tuluyan na syang tumayo sa kinauupuan nya na parang naghahamon ng away.

Imagine parehas silang nakatayo at parehong hawak ang braso ko, habang ako nakaupo. Ano na lang itsura ko nito.

"Tumigil na nga kayo." pilit akong kumakawala sa pahigpit ng pahigpit nilang hawak sa braso ko.

"Boys nasasaktan na si Kim sa ginagawa nyo." pati si Catha na tulala kanina dahil sa maliit na away niton dalawa ay nakisali na din sa pag-awat sa dalawa na tuluyang hugutin ang braso ko mula sa katawan ko.

"Sorry honey/Sorry baby." sabay nilang sabing dalawa. Bumitaw sila ng hawak sa akin at nagbalik sa pagkakaupo.

Training the Next HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon