53rd

5.3K 119 5
                                    

An: Sinong naeexcite sa paggawa ng baby? hahaha

++++++++++++++++++++++


Forever



Hinagod ko ang likod ni Clark dahil hindi sya matigil sa pag-ubo.


"Dahan-dahan kasi sa pag-inom Clark 'wag mong ibeastmode yang buko juice." concern na sabi ko.


"Are you serious?" wika nya habang hirap pa ring magsalita.


"Saan Clark sa buko juice?"


"Tsk. No. About a baby."


Nag-isip ako at inalala ang sinabi sa akin ni Steven. Isa kasi ang baby sa binilin nya sa akin.


Flashback...


"Baby?" naguguluhan kong sabi.


Gusto kong maging memorable ang bakasyon namin ni Clark pero baby daw. Anong kinalaman ng baby sa bakasyon? 


"Oo. Kapag nakagawa kayo ng baby during your vacation slashed advance honeymoon that will mean na successful ang naging vacation nyo."


"Ah okay. Must create a baby! Noted."


Narinig kong tawa ng tawa si Steven sa kabilang linya. May kakilitian ba sya? Mukhang wala na syang balak matapos sa kakatawa kaya naman binabaan ko na sya ng phone.



"Gusto ko ng baby as a souvenir sa pagbabakasyon natin dito Clark." tinalikuran nya ako. Obvious na hindi sya interesado sa sinasabi ko "Pwede namang magparactice muna tayo kung hindi ka pa ready."


"Do you understand what you were saying?" tanong nya.


Tumayo sya at nagpalakad-lakad. Linapitan ko sya at hinaplos ang braso nya para pakalmahin sya, hindi kasi sya mapakali. Tila napaso sya sa paghaplos ko sa kanya at mabilis syang lumayo sa akin.


Tinalikuran nya ko at may kung ano syang binubulong na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung nagmumura ba sya o nagdarasal.


"Clark ayaw mo ng baby?" tanong ko habang papalapit sa kanya.


"Its not the--"


SPLASH


"Jusmio Clark?" sigaw ko "Manong tulong!"


Training the Next HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon