54th

5.6K 123 10
                                    

Don't Overthink


"Ma'am you have a meeting after lunch with Mr. Cuevas. After that you need to attend an event..."


Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang singsing na nakasuot sa aking palasingsingan. Engaged na kami ni Clark. The feeling is very nostalgic. Wala akong mapaglagyan ng nag-uumapaw kong kaligayahan pero at the same kinakabahan din ako baka tuwang-tuwa ako ngayon tapos iiyak naman ako mamaya.


"Miss Kim?!" sigaw ni Steph sa harap ko.


"Uy Steph nandyan ka pala. May kailangan ka?" tanong ko sa kanya na hindi sya tinitingnan at nakatutok pa rin ang mata ko sa singsing na bigay ni Clark.


Inulit nya sa akin yung schedules ko ng meeting. Maluwag pala ang schedule ko ngayong araw hindi katulad noong nakaraan halos gumapang na ko pauwi dahil sa pagod. Ako na ang pumalit kay Tatay as a CEO pero nandyan pa rin naman sya para tulungan ako. 


Ang akala ko ang dali lang ng ginagawa ni Tatay. Patravel-travel lang sya around the globe. Hindi pala. Nakakapagod palang bumiyahe ng pabalik-balik tapos makikipaghello lang naman ako sa mga potential investors. Sabagay medyo matatanda halos lahat ng nakabusiness deals ko hindi pa nila nadidiscover na may group chat ang fb at pwedeng dun na lang kami mag-usap. Tama! Dapat iinform ko sila para hassle free.


At ang bright side ng pagiging CEO ko. Kapag gusto kong makita si Clark magpapaset lang ako ng meeting pwede ko na syang makita. Hindi katulad dati na kung saan-saan ko sya hinahagilap. Pakipot kasi ang Lolo Clark nyo minsan, laging gustong magpamiss.


"Yun lang ba ang sched ko for today?"


"Yes Ma'am."


"Ask Mr. Alegre of Excalibur Empire to have a dinner meeting with me." excited kong sabi sa kanya.


"Okay po." aniya habang sinusulat ito sa notebook nya.


Syempre echos lang yung meeting dahil date ang gusto kong mangyari. 


Wala si Tatay sa bahay kaya ako na naman ang mag-isang kakain ng hapunan. Ewan ko ba kay Tatay hindi na sya CEO hindi pa rin sya mapirmi sa mansyon. 


Hindi ko mapigilang mangiti sa tuwing maiisip ko na makakasama ko sa hapunan si Clark. Masarap kayang kumain ng hapunan kapag may kasama lalo na kung yung kaharap mo masarap din..masarap kausap.


Diretso uwi ako sa mansyon after ng event. I need to get ready. Hindi ako magkada-ugaga sa pagpili ng isusuot. Nagvolunteer na si Princess na tulungan ako, magaling sya sa fashion at sya din ang nagmake-up at nag-ayos ng buhok ko.


"Señorita ang ganda nyo po."


"Well thanks to you." nakangiti kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin.


I dialed Steph's phone number habang pababa ako ng hagdan.

Training the Next HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon