18th

6.4K 159 5
                                    

Dead Serious


"Clark?!" lumapit ako sa kinatatayuan nya at hinead-to-foot sya "Ikaw nga!! I miss--"


Natigil ako nang may maalala.


'Kim remember kinalimutan mo na sya. Ilang araw syang nawala tapos ganun ganun lang? Open arms mo s’yang tatanggapin ulit sa buhay mo! My goodness! Magpakipot ka naman kahit konti, ‘day!’


TAMA! Tama yung isip ko, hindi pwedeng marupok.

Lumayo ako ng konti sa kanya "Sino ka na nga kasi?"

Sinamaan nya ako ng tingin kaya lalo akong napaatras. Huhu syang sya 'to, guys! Walang pagbabago. Yung masungit na Clark. Naiiyak ako sa tuwa.

"Darling bakit ikaw ang may dala nito." bigat na bigat na sabi ni Mr. David habang pwinepwesto sa gilid ng opisina yung box.

"Ah nagvolunteer po akong tulungan si Mang Carding. Wala po akong ginagawa e, free na free po ako. Walang bantay." ibinalik ko yung tingin kay Clark habang binibigyang diin yung huling pangungusap.

"Do you want something to drink. Ang bigat nitong kahon at binuhat mo ito hanggang dito." Pag-offer ni Mr. David ng meryenda sa’kin.

“Okay lang po ako.”

Mabigat ba yun? Well nasanay kasi ako dati sa mabigat na kamay ni Mang Ben—este mabibigat na gawain kaya hindi naman ako gaanong nahirapan.

"You carried that thing all the way here?" atlast narinig ko din ang boses ni Clark. Hay music to my ears. Tagal din kayang napahinga nitong tenga ko sa sigaw nya.

"Oo. Parang ‘di tayo nagkasabay sa elevator kanina ah." kumunot ang noo nya “Ang snob mo di mo man lamang ako tinulungan.” Mahina kong sabi.

At parang hindi naman din talaga nya narinig dahil naglakad sya papalapit kay Mr. David na may kinakalkal na sa kahon na dala ko. I-walk out daw ba ako. Tsk, Mr. Attitude.

"Sir I have to go." Wika nya.

"Okay and thank you." seryoso nitong sabi bago tumingin sa direksyon ko. Ngumiti lang ako ng pagkatamis-tamis.

Nakita kong paalis na si Clark.

"Aalis ka na nga?"



"Yes, obviously."

"Sabay na tayo." Natataranta kong sabi.

Binalikan ko muna si Mr. David at nagpaalam sa kanya tsaka ko sinundan si Clark palabas. Hindi na ako hinintay *pout* Rude!

"Good Morning Sir Clarence?!" nakangiting sabi nung babaeng sekretarya ata ni Mr. David nang makita si Clark.

Nahinto ako sa tapat ng pinto.

*kunot noo*

Hmmm?

Anong tawag nya kay Clark? Clarence? Imbento si ate haha saan nya kaya napulot yung pangalang Clarence but it sounds familiar hindi ko lang matandaan kung saan ko narinig.

Training the Next HeirWhere stories live. Discover now