3rd

9.2K 197 9
                                    

Pasensya naman

Halos dumikit na sa lamesa ang noo ko dahil sa pagyuko. Ayokong salubungin ang tingin ni Clark. Nakakatakot sya e. Kasalanan ko bang mabore ako sa ipinapagawa nya sa akin kaya nilayasan ko sya? Hindi naman diba?

Nasa isang restaurant kami para kumain daw pero kanina pa kami dito hindi pa kami umoorder.

"Alam mo bang the day after tommorow ang dating ni Don Lucho?" halata sa tono ng boses nya na gusto nya akong gilitan ng leeg, napapikit ako sa naisip at tumango na lang bilang sagot sa tanong nya.

"At mayroon na lang akong isang araw para ayusin ang sarili mo."

Nagtaas ako ng tingin, para kasing nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya.

"Ayusin? E wala namang mali sa akin ah." ang sakit magsalita nito sya nga ang may attitude problem na dapat ayusin.

"Stubborn." dagdag nya pa.

Ang hilig nya kong tawaging stubborn. Yeah I know I am born to be a star.

*kruggg*

Nayuko akong muli dahil sa hiya. Wrong timing naman i-announce ng tyan kong gutom na sya. At ang lakas ah. Record breaking.

Tiningnan ko kung anong reaksyon ni Clark sa nangyari. Pokerface lang sya, parang walang narinig, binge ngang talaga.

Nilingon ko ang ibang customer ng restaurant at may ilang nakatingin sa'kin. Kahiya-hiya (>///<)

Itinago ko ang mukha ko gamit ang buhok ko.

Narinig ko ang pagpalatak ni Clark, kunot ang noo nya't seryosong nakatingin sa mukha kong natatakpan ng buhok.

"We need to fix your hair. I'll take you to a salon tomorrow."

Bakit ganito si Clark, feeling ko nilalait nya ko. Ang dami nyang finifix sa akin. Parang ang daming mali sa pagkatao ko. Hindi ko na lang muna sya kokontrahin ngayon may atraso pa ko sa kanya e.







KINABUKASAN...

Bumalik kami sa boutique at tinorture nya ang utak ko sa paglecture sa akin ng mga dapat kong tandaan sa pagpili ng damit. Infairness sa kanya may taste sya. Di kaya bading 'to. Ano sa palagay nyo?

"Nanote mo ba lahat ng sinasabi ko?"

"Sir yes sir." sabi ko at ipinakita sa kanya yung note ko.

Nanliliit ang mata nyang tiningnan ang note ko.

"Pati handwriting palpak." bulong nya.

"Hoy nilalait mo ba ang sulat ko? Di mo ba alam na ako ang may pinakamagandang penmanship way back may elementary days."

"At nastuck na sya sa level na yun." natatawa nyang sabi. Basta panlalait sa akin masaya sya. Walang bilib sa akin si Clark, bes.

Hindi kami nagtagal sa boutique dahil nagmamadali na daw kami at kasalanan ko daw yun. Aba't sana kung kahapon instead na sungitan ako ay tinulungan nya ako diba, di sana kami magagahol ng ganito.





THEN...

Pumasok kami sa isang sikat na salon.

"Gawin nyo syang tao."

Itinulak ako ni Clark buti na lang at nasalo ako ng dalawang beking sumalubong sa amin. Tiningnan ko ng masama si Clark. Di ba ako mukhang tao sa ayos ko ngayon?

Training the Next HeirWhere stories live. Discover now