50th

5.2K 159 6
                                    

Maduming Utak


"Señorita?"


Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ng kasambahay sa labas ng kwarto ko.


"Señorita kakain na ho. Nasa baba ho ang Señor Lucho, ipinatatawag kayo para kumain." Paulit ulit na sigaw nito.


Si Tatay? Ang akala ko ba busy sya at hindi sya makakauwi ng mansyon ng ilang araw? 


Unexpected ang pag-uwi ni tatay kaya kahit walang gana ang katawan kong kumilos ay pinilit ko. Ayokong malaman ni Tatay kung anong pinagdadaanan ko ngayon.


"Sige susunod po ako." Sagot ko bago pagapang na tinungo ang banyo para makapagtoothbrush man lang bago harapin si Tatay.


Maski ako nagulat nang makita ko ang mukha ko sa salamin. Ako ba talaga 'to? Pati kagandahan ko ata iniwan na ko T_T Ang pangit pangit ko na.


Bumaba ako sa dining kung saan nakita kong naghihintay si Tatay.


"Good morning 'Tay." Bati ko at saka humalik sa pisngi nya.


"Maganda ba talaga ang umaga mo?"


"Opo maganda. Ang saya ko nga po e. Ye-hey." Kahit anong pilit kong sikaping pasiglahin ang tono ng pagsasalita ko wala pa rin. Halatang pilit.


Yumuko ako't tinitigan ang plato sa harap ko.


Nabalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid.



"TAY!" 


Humagulgul na ko ng iyak habang nakaupo sa paanin ni Tatay at yakap ko ang binti nya. Hindi ko na napigilan.


"Tay si Clark huhu."  (T_T)


"Hindi nya po ako pinapansin. Tinatawagan ko po hindi sinasagot. Minessage ko na po sya sineen zone lang ako. Hindi ko po kaya Tay. Hindi ko po kayang ganito sya sa akin forever huhu ikamamatay ko ito Tay huwaaaa!"


"Sinabi ko na sa'yo dati diba-- Ay oo nga pala nagka-amnesia ka."


Pinatayo ako ni Tatay at dinala nya ako sa sala at iniupo sa mahabang sofa. Inabot nya sa akin yung kahon ng tissue dahil naghalohalo na yung luha at sipon sa mukha ko (pasintabi sa mga kumakain)


"Anak for the second time gusto kitang paalalahanan na hindi pwedeng palaging nasa tabi mo ni Clark. May times na dapat ikaw lang. Be independent. You have to stand on your own feet. Sanayin mo ang sarili mo na minsan e hindi kayo nagkakapag-usap dahil may mga importanteng bagay syang inaasikaso--"


"Ako ba Tay hindi importante sa kanya? Wala na syang panahon sa akin Huwaaa!"

Training the Next HeirWhere stories live. Discover now