16th

6.8K 170 11
                                    

Flowers


Pagkatapos ng exam ko sa St. Greg nagsimula na ang kakaibang kilos ni Clark. Iba sya makatingin sa akin. Yung tingin na parang nagsasabi na "Gorl, for real?" Charot! Tingin na di makapaniwala. Gusto ko sanang isipin na gandang-ganda sya sa'kin kaso kunot ang noo nya, parang banas na ewan sa pagmumukha ko.

Nakaconcious ang mga tingin nya kaya naman nitong mga nakaraang araw e napagdesisyonan kong magbulsa ng suklay in case of nagmumukha na talaga akong bruha e ready ako para mag-ayos kahit man lang buhok. Kaya lang nang makita nyang may bulsa-bulsa akong suklay, ayun nasermunan ako. Akala ata e ninakaw ko sa mansyon yung antigong wooden suklay, for his information, dala ko pa yun galing sa dati kong tirahan 'no, hmp!

Nakakalito minsan si Clark. Ako na nga itong nag-eefort ayusin ang sarili ko sya pa 'tong may ganang pagalitan ako, plus parang napagkalaman pa kong klepto, haish.

"Clark sinong katext mo?" tanong ko sa kanya. At mabilis naman nyang itinago sa bulsa ang kanyang phone. Damot talaga nitong si Clark, ayaw i-share ang life nya sa akin.

Kanina pa kasi sya busy sa cellphone nya. Parang galit nga sya dun sa katext nya e kasi panay ang 'Tsk' nya. Jejemon siguro yung katext o baka naman-- ay ano ba iniisip ko,  malabong jejemon si Clark no.

Imagine, si Clark na gwapo at masculado jejemon "3ow phowz" Di bagay (>_<)

"Lalabas lang ako sandali. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka." sabi nya at lumakad na paalis. Walk out King talaga 'to.

Ayan, alone na naman ako. Dapat pala hindi ko na lang pinakialaman si Clark at yung textmate nya para hindi nya ako iniwan dito. Dito sa library.

Nakalabi kong tinitigan ang librong nasa harap ko.

Sabi ni Clark mag-aral daw ako. E paano pa ako makakapag-aral kung iniwan nya ko dito...mag-isa.

Umihip ng malakas ang hangin.

O.O

Naman e.

S-saan galing yung hangin?

Luminga-linga ako sa paligid, naghahanap ng bukas na bintana at laking relief sa heart na may bintana nga talagang nakabukas at medyo mahangin nga ang klima sa labas.

Naalala ko yung kwenento sa'kin ni Princess nung nakaraamln, totoo kaya yun? Palagi rawsyang may nakikitang pumapasok sa library pero kapag titingnan nya wala namang tao sa loob.

Kinikilabutan ako!

Pero hindi naman siguro totoo yun--

"WAAAH!!!" ako

"WAAAH!!!" sya

Nagkatitigan kami after ng gulatan.

"Bakit po kayo sumisigaw Nana Bel?"

"Aba, Kim. Ikaw ang dapat tinatanong ko nyan. Bakit ka ba kasi sumisigaw? Ninerbyos ako sa'yong bata ka. Buti na lang, hindi ko naibato sa'yo itong dala ko." Panenermon ni Nana Bel sa'kin bago ilapag ang dala nyang tray ng pagkain sa lamesa.

"Umm, wala naman po. Nagulat lang. Akala ko po kayo si Clark hehe shocking naman po talaga yung itsura ni Clark diba hehe."

Narinig ko ang biglang pagsara ng pinto.

"WAAAH!!!" ako

"WAAAH!!!" si Nana Bel "Susmaryosep kang bata ka. Bakit ba sigaw ka ng sigaw?"

Training the Next HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon