46th

5.1K 91 6
                                    

Bluestone


Sa tingin ko ang gown at sapatos na katerno nito ang magiging mitsa ng buhay ko. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko dahil sa takot na madapa at mangungud ako sa sahig. Ayokong emeksena sa gitna ng maraming tao 'no.


Ngayon ang anniversary. At ang saklap lang dahil inindian ako ng kadate ko. Buti na lang talaga kakilala ko yung mga guard sa labas. Nginitian ko lang pinapasok na ko.


Hindi sya makakapunta dahil may emergency daw, pero pipilitin nya raw makapunta para sa akin.


Naku kahit wag na.


Nakita kong umakyat ng stage yung MC tapos pinuripuri si tatay bago ipakilala at paakyatin sa stage.


"Woahh! Tatay ko yan! Proud daughter here." Sigaw ko kasabay ng malakas na tugtug. Yung mga katabi ko halatang nabigla sa ginawa ko.


Narinig siguro ako ni Tatay kaya kinawayan nya ko.


"This grand occasion shows how successful Goldendust this past 50 years, despite of the previous anomalies that it encounter. I want to congratulate all the people behind this success specifically Goldendust employees and staffs who remain loyal to the company. Without you I'm nothing." Maluha luhang pahayag ni Tatay "Enough of the drama. Lets celebrate! Oh by the way I'd like you to meet my wonderful and gorgeous daughter, Kimberly Peralta David. Sweety join me here for a toss."


Nagpalakpakan ang mga tao pati ako syempre. Wonderful and gorgeous. Ehem ehem.


Yung iba nagbubulungan. Hindi siguro makapaniwalang may magandang anak si Mr. David. Ehem ehem.


Dahan dahan akong naglakad papunta sa stage hindi dahil nagpapabebe ako, nag-iingat lang dahil takot akong madapa.


May nag-escort sa akin nang paakyat na ako ng stage. Wew salamat, akala ko gagapang ako makapanik lang e.


Binigyan kami ni Tatay ng wine glass . Sinenyasan ako ni Tatay. Tumango ako.


I clear my throat tapos...


"TAGAY!" sigaw ko habang itinaas ng pagkataas taas ang kamay kong may hawak ng baso. Buti na lang maputi ang kilikili ko.


Natahimik ang lahat. Mali ba ang sinabi ko?


Ay shunga Kim, dapat yung sosyal na term ang sinabi mo.


"Chee--"


Naputol ang sasabihin ko nang sumigaw si Tatay at ang gwapong gwapong si Clark na nasa pinakaharap na table. Emeged yung kilikili ko kitang kita ni Clark (>////<)


"TAGAY!" Tatay/Clark.


Training the Next HeirWhere stories live. Discover now