37th

5.8K 111 3
                                    

Sino ba si Boss?



"Are you okay?" tanong sa akin ni Clarence habang hinahagod ang likod ko.


*Cough Cough*


Umiling ako bilang sagot.


Kumakain kami ng hapunan nang magsalita si Kyle na syang dahilan kung bakit muntik ko ng masubo ng buo yung kutsara.


"Mommy si Ate Kim and Robocop gumagawa ng baby robot behind the curtains."


Grabe lang diba. Ito talagang si Kyle. Sino ba namang hindi mashohock? Jusmio. Harap harapan nyang sinabihang robot si Clarence.


Ang tapang! Sa tagal na naming magkasama ni Clarence hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihan sya na para syang bato na tinubuan ng mukha, kamay at paa. Sya kasi yung taong walang kaemoemosyon.


"My dear, is that true." tanong ni Tita Queen sa akin na halatang nagpipigil ng galit.


Anong kinagagalit ni Tita? Hindi naman sya yung sinabihang 'robot' ni Kyle ah.


Akmang sasagutin ni Clarence yung tanong ni Tita pero itinaas ni Tita ang kamay nya para pigilan ito.


"I'm not talking to you." mataray nyang sabi habang nakatingin kay Clarence bago bumaling ulit sa akin.


"So is it true?"


Naku Clarence alam ko friends tayo pero kasi hindi ko kayang magsinungaling.


"O-po T-ita." sabi ko ng nakatingin kay Clarence na nakakunot ang noo. Kita sa mukha nya na shock na shock sya sa sinabi ko.


Sorry Clarence, totoo naman kasi na parang kang robot e. The truth will hurt you but it will set you free.


"Go to your room Kim and pack your things. We'll leave now." matigas na sabi ni Tita bago tumayo at umalis sa harap ng hapagkainan.


Over naman ni Tita mas affected pa sya kesa kay Clarence.


Akmang tatayo na ko para maayos ang mga gamit ko ng hawakan ako ni Clarence sa braso.


"B-akit?" kabadong tanong ko sa kanya.


"Bakit umoo ka?" sabi nya at tumayo na rin. Hinila nya ako palabas.


"Totoo naman diba."


"Totoo?"


"Oo." nahihiyang sabi ko.


"Totoo na gumagawa tayo ng baby?"

Training the Next HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon