36th

6K 131 2
                                    

No Choice


"Hindi kita gusto kasi sobrang gusto kita."


Tama ba ang rinig ko? For real? Gusto ako ni Clarence. Wait baka imagination ko lang 'to.


Pumikit ako at umasang pagmulat ko ng mata wala na si Clarence pero heto't nakangiti sya sa harap ko.


"I like you Kim." ulit nya.


Juskolord!


Akmang sasagot ako sa kanya nang...


"How sweet."


May babaeng lumalakad papalapit sa amin. Hindi sya mukhang katulong kasi matangkad, maputi at napakaganda nya.


Tumayo si Clarence nang tuluyan syang makalapit sa amin kaya tumayo na rin ako at tumabi kay Clarence.


"Hi Kimberly." bati ng di kilalang babae sa akin.


Kilala nya ko? Sino ba 'to? Stalker ko?


Ang taray taray ng dating nya hindi sya mukhang mabait. Nag-uumapaw sa kasupladahan ang aura nya. Ramdam mo na napakataas nya. Reynang reyna. Pero may kamukha sya hindi ko lang matandaan kung sino.


"Clarence sino ba 'to?" bulong na tanong ko kay Clarence.


"She's-"


"Oh how rude of me. I'm Queen. Queen Agatha David-Montemayor. Your father's twin sister."


O.O


Kakambal ng tatay ko?! Kaya pala hawig sila.


Meaning tita ko sya! May tita ako! Ang saya naman!


"Hello po Tita." akmang lalapit ako sa kanya para magmano pero pinigilan nya ako at bumeso lamang sya.


"Sorry if I interupted your little sweet talk." sabi nya pero hindi naman sya mukhang nagsisisi.


"Bakit sya nandito Clarence?" bulong na tanong ko kay Clarence.


Pero nagkibit balikat lamang ito. Mukhang pati si Clarence speechless sa pagdating nitong si Tita Queen.


"We're here to visit you my dear." ang talas ng pandinig ni Tita.


"We po?" tanong ko. May kasama ba syang hindi namin nakikita?


Hindi pa nya nasasagot ang tanong may dalawang bata edad 5-6 ang sumulpot sa harap ko.

Training the Next HeirWhere stories live. Discover now