17th

6.7K 160 4
                                    

Documents

Mabilis nagdaan ang mga araw at palagi kong kasama si Clark.


Swerte ko? Instant jowa? HINDI DIN!!


Sa totoo lang naghahanap nga ako ng mag-aampon sa kanya. CHAROT!


Masungit si Clark, oo pero di ko naman sya kayang ipaampon. Baka walang kumupkop, wawa.


So yun nga, palagi kaming together ni Clark. Nahihirapan na kong ihandle sya.


Kamusta naman yun diba may walking commentator ako. Lagi syang may pinupuna sa kilos ko na para bang sa lahat ng oras sa akin lang sya nakatingin.


Daig ko pa ang most wanted na kriminal kung bantayan nya. Nasa mukha ko ba yung mukhang tatakas. My god, madalas pa nga ako yung natatakasan, ako yung naiiwan, ako yung naghahabol.


Hay, ang dami ko ng pautang na di nabayaran.





Over protective si Clark. One time, pumayag syang magpunta kami ng mall para mamasyal.


Tingini-tinginiwwwww…


“Clark, gusto ko nun.” Turo ko sa isang candy store na nadaanan namin.


“No. Not good for you.”


KJ.


“Ah, yun na lang pala Clark. Gusto ko dun. Try natin.” excited kong turo sa madadaanan naming arcade hub.


Pero hindi sya sumagot at dire-diretso lang ang lakad nya.


“Clark.”


Hindi ulit sya kumibo kaya humarang ako sa daraanan nya.


“Clark!”


“WHAT?” ang taas ng boses agad.


"Punta tayo dun." nakapuppy eyes kong turo sa nalagpasan naming arcade hub.


Kunot ang noo nyang pinag-masdan ang hub bago sumagot ng isang matigas na "No"


"Bakit No? Clark naman e."


"Can't you see it too crowded. The place is a chaos."


"Oh ano naman ngayon?"


"No. That's final."



Mahabang lakaran at pagtaghoy pa kay Clark ang nangyari bago ako tumigil sa paglalakad dahil triggered na triggered na talaga ako sa kanya. Pakiramdam ko sasabog na ko sa pandededma nya sa'kin.


Ang gusto ko, mamasyal at mag-enjoy! Hindi magwalking exercise dito sa mall.


“Kanina mo pa ko dinededma. Anong ayaw mo? May nagawa ba ko? Saan ba tayo pupunta kanina pa tayo naglalakad.”


“Cinema. Lets watch a movie.”


Hindi na ko nakapagsalita sa sobrang excitement. Kailan ba ko huling nanonood ng sine. Hindi ko na matandaan, never pa ata.


We decided to watch a horror movie. Baka sakaling matakot si Clark na mawala ako sa kanya, boom!


Nakangiti akong nakapila, nakasunod kay Clark sa bilihan ng ticket. Susundutin ko sana ang tigiliran ni Clark nang biglang may umubo sa likod ko na agad kong nilingon.


Training the Next HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon