52nd

5.7K 112 7
                                    


Quality Time 


I'm ready! I'm ready! I'm so much ready!    


Maaga pa lang nakaready na ko para sa pag-alis namin ni Clark. Halos hindi nga ako nakatulog sa sobrang excitement.


Hindi ko alam kung saan ako dadalin ni Clark pero kahit saan naman masaya basta kasama sya.


Natigil ako sa paghalughog sa closet ko ng mga pwede ko pang dalin nang..


"Señorita nandito na po si Sir Clarence."


Hilahila ang maleta ko at bitbit ang isa ko pang travelling bag bumaba ako ng hagdan.


Sinalubong ako ng ngiting-ngiting si Clark 


"Bakit hindi ka nagpatulong magbuhat." sermong nya sa akin ng malaman nyang ang bigat ng maleta't bag ko.


"Nagpatulong ako." sagot ko at saka itinuro yung mga katulong na nakasunod sa akin bitbit yung iba ko pang gamit.


"What the!"




Hindi kami agad nakaalis dahil si Clark pinabawasan yung dala ko. Hindi ako makapagdecide kung anong dapat kong igive-up. Bandang huli si Clark na mismo ang nangalkal sa mga maleta ko.


"Hindi mo kailangan ng tatlong towel at dalawang malalaking kumot sa pupuntahan natin." sabi nya habang inilalayo sa akin yung isang maleta kong puno ng kumot at twalya.


Bukod sa kumot at twalya tinanggal din ni Clark yung mga kurtina, punda ng unan, makakapal na jacket at kung anu-ano pa.


"Kimberly bakit dala mo ang buong mansyon?" tanong sa akin ni Clark.


"Baka kasi kailanganin natin. Ang sabi ni Steven magdala daw ako ng ganyan. Alam mo na incase of emergency." 


"Steven?" kunot noo nyang tanong.


"Oo." 


Tumawag kasi sya sa akin kagabi para mangamusta at naikwento ko sa kanya ang pag-alis namin. Syempre dahil first time ko sa vacation-vacation na ganito humingi ako sa kanya ng suggestions. May ibinigay pa syang listahan sa akin ng dapat kong dalin at mga bilin.


"Nag-uusap pa kayo?"  nagdilim ang mukha ni Clark ng sagutin ko sya ng "Oo"


I heard him cursed. Bakit ba ang init ng dugo ni Clark pagdating kay Steven? Wala namang ginagawang masama yung tao nagmamagandang loob lang.


Malaking tulong naman talaga yung suggestion ni Steven lalo na yung pagdadala ng punda. What if tulo laway pala itong si Clark kapag tulog edi may pamalit ako agad sa punda naiwasan ko pang bumaho yung unan.

Training the Next HeirWhere stories live. Discover now