Chapter 12: Dati Rati

15.8K 506 35
                                    

Jace's POV

Halo-halo ang nasa utak ko ngayon. ‘Di ko malaman kung anong mas ipa-prioritize kong isipin; Yung pagkainis ko ba kay Alex? Yung negosyong ilo-launch dito sa Pinas? Yung kayamanan o Yung galit sa ‘kin ni Mick? Ang hirap makapag-isip ng maayos kapag tila mga taling nakapalupot sa isa’t isa ang problemang dala-dala mo.

Heto ako ngayon sa bahay, back to loner again. Pinatay ko muna ang cellphone ko para hindi ko masagot ang tawag ni Ten-Ten, sigurado kaseng kukulitin ako ‘nun kung nakausap ko na si Alex. Unfortunately, wala pa akong balls para makita o makausap man lang ang babaeng unti-unting sumisira sa relasyon namin ni Mick. Galit ako sa kanya, pero aminado naman akong hindi ganun kalalim ang hinanakit ko dahil kahit papaano nama’y nagsisisi siya sa kanyang ginawa. Kaso nangyari na ang hindi dapat mangyari kaya galit-galit muna kami ngayon.

Humiga ako sa aking Sofa na ang dalawang kamay ay siyang nagsilbing unan sa aking ulunan. Medyo nagblu-blurry ‘yung vision ko nang pilit kong tiningnan ang fluorescent lamp na nasa kisame. Nagflashback sa memory ko in an instant ‘yung moment namin ni Mick. Bigla kong naalala ‘yung ginawa naming “Whisper Game” sa Bus. Ang astig lang nung laro naming ‘yun na ginawa ko rin sa mga past girlfriends ko.

Flashback Scene of Whisper Game:

(Bus Scene)

 “Ano namang laro?”- Mick.

 

“Whisper Game?” sabi ko nang pabulong.

                    

“Whisper Game? Never heard…”

 

“Madali lang naman. Mas mahirap pa ‘yung ginawa mo sa ‘kin na paibigin ako kuno.”

  

“Paano naman laruin ‘yan?” pangisi niyang sabi.

  

“Simple lang. Sinong unang mahulog siyang talo.”

 

“Mahulog? Ba’t naman mahuhulog? Pare ang weird mo ha?”- siya.

 

“Parang sa pag-ibig, kung sinong unang bumigay talo. Ano payag ka?”

 

Nagrequest siya ng sampol dahil di niya magets ang mechanics.

 

“Sampol Brad,” request niya.

 

Lumapit ako sa kanya at binulungan.

 

“I LOVE YOU” sabi ko na tila gustong ngumisi.

 

“Pakyu!” pabiro niyang bulong pabalik.

 

“Boom talo ka Pre. Walang pikon sa larong ito okay?” pangiti kong sabi.

 

“Saan mo natutunan ‘yang larong ‘yan?” taka niyang tanong.

 

“Sa akin. ‘Yan ang larong ginagawa ko sa mga babaeng natitipuhan ko. Ang ending, naiinlove sila sa ‘kin. Ayos ba?”

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon