Chapter 27: Reversed Whisper Game

12.4K 572 116
                                    

Tarantado talaga 'tong Zanmiks na 'to! Binanatan nanaman niya ako ng pamatay niyang Power Kiss. Bigla bigla na lang nanghahalik! Pucha, naalala ko yung first time niyang ginawa na bigla bigla niya na lang akong halikan was nung nandun kami sa tirahan ng tunay kong amang si Lucio, sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa! Ang tindi nung halik niyang yun na halos hindi ako makahinga. 'Dun ko nalamang pareho pala kami ng nararamdaman sa isa't isa na out of this world kung susuriin. Ako ang nagbigay sa kanya ng ideya about my feelings tapos sinuklian niya ako ng ganung kasidhing halik. Sa nangyayari naman ngayon, umamin ako sa pagkakamali ko at nagtapat sa kanya ng buong katotohanan, ginantihan naman niya ako ng halik..... kung una'y halik ni hudas, ngayon nama'y halik sa hangin dahil masyadong mabilis. Hindi lang maganda ang bagsak ng halik niyang 'yun dahil tumama ang manipis na balat ng labi ko sa front teeth ko kaya nakaramdam ako ng hapdi.


"BALIW!" bulyaw ko sa kanya habang patuloy pa rin siyang naglalakad. "Ba't bigla ka na lang nanghahalik? Siraulo ko talaga! Sinasabi ko na nga ba.... akala mo kung sino kang magalit pero deep inside gustong gusto mo naman akong maromansa!" straight forward kong sabi sa kanya. Hindi naman niya ako hahalikan kung hindi naman niya ako gustong maano.... alam niyo na?


"Kung ibalik ko kaya sayo ang mga pinagsasasabi mong 'yan?" ani niya. "Sino ba ang nage-effort na magpapansin sa 'kin? Sino ba ang gumawa ng maraming kasalanan? Sino ba ang Kiss And Tell? Tssss..... kaya lang kita hinalikan dahil 'yun naman talaga ang gusto mo! 'Wag ka ng kunwaring ayaw mo pero kinikilig ka naman," banat pa niya.


Pucha, ako kinikilig? Gusto kong tumawa ng malakas! Hindi kaya nakakakilig 'yung basta basta niyang paghalik sa 'kin. Kahit pa sabihin nating babae 'yung hinalikan niya, instead na kilig e mas makakaramdam sila ng sexual harassment. Baliw ngang talaga...


"Ambilis naman ng biyahe mo Zanmiks! Nasa Pilipinas pa lang ako pero nasa Amerika na kaagad ang takbo ng isip mo. Nasa research pa lang ako may conclusion ka na kaagad! Ano bang tumatakbo sa isip mo ha? Ni hindi ko nga alam kung okay na tayo o ano. Tapos bigla ka na lang manghahalik? Pucha ka, lalaki ang hinahalikan mo hindi babae! 'Wag kang mag-assume na kinilig ako dahil hindi naman talaga."


Muli siyang napahinto sa paglakad, humarap siya sa 'kin at tinitigan ako ng medyo seductive na tipong kagat kagat niya ang kanyang lower lip na nangingisi.


"Ang laki ng problema mo sa Kiss na 'yun ah? Tandaan mo Jace," sabi niya habang winewave niya sa 'kin ang hintuturo niya. "Walang mawawala sa 'kin, sayo..... malaki! Hindi mo pa rin talaga ako kilala! Try Harder!"


Seryoso siya sa pagbitiw ng mga salitang iyon. Nahiwagaan ako ng lubos sa sinabi niyang iyon dahil masyadong malalim. Wala raw mawawala sa kanya pero sa 'kin malaki? Anong kinalaman nun sa paghalik niya sa 'kin? Siguro'y binabalaan niya ako about sa misyon na 'to dahil nasa kanya pa rin ang huling alas na kukumpleto sa ikatatagumpay ng misyong ito. Malaki naman talaga ang mawawala sa 'kin 'pag wala siya pati si Alex dahil sila talaga 'yung tumutulong sa 'kin ever since nagsimulang ipasolve sa 'kin ni Mama ang matitindi niyang palaisipan.


Napabuntong hininga na lamang ako dahil may pinupunto naman ang loko lokong 'to. Ang punto ko naman kase, hindi niya ako hahalikan kung wala na siyang nararamdaman para sa 'kin. Ang galing niyang magtago ng emosyon... pigil na pigil. Masyado siyang dominante pero ang totoo'y nag-aastig astigan lang siya dahil hawak niya ako sa leeg at ako ang maya atraso sa kanya. Sa itinatakbo ng kasalukuyan naming estado, ako talaga ang kailangang mag-effort para manumbalik muli ng buo ang tiwala niya sa 'kin. Ika nga niya, TRY HARDER. But he already gave me a perfect sign, in a form of kiss. Well Zanmiks, kung 'yan ang gusto mo e di..... Lintik lang ang walang ganti!

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon