The End Part 4 (Chapter 44): Sorry

11.9K 404 44
                                    


Nandito pa rin kami ni Mick sa baybayin. Naglalandian, naglalampungan, nag-aasaran, kulang na lang magsuntukan pag hindi namin nagustuhan ang opinyon ng bawat-isa. Ganyan naman kami palagi, pero ayos lang 'yun, atleast hindi kami boring pag nagsamang dalawa. Alas-siete na ng gabi at hindi gaanong kaliwanag ang buwan ngunit sapat na ito para magsilbing ilaw namin. After the storm, there's a wide silence. Nakakabinging katahimikan that serves as music to our ears. Mukhang ma-popostpone na naman yata ang pagdating dito ng mga tiyahin namin dahil sa masamang panahon. Ayun ang nararamdaman ko pero nagbago ito nang biglang marinig namin ni Mick ang pagsigaw ni Alex.

Binitawan ko ang kamay ni Mick na parang magpapasa lang ng bola ng basketball sa ka-teammate. Mula kanina pa kami magkaholding hands while standing, sitting, kissing etc.

"KUYA!!!!! KUYA!!!!" pagsigaw ni Alex habang kumakaripas ng takbo papalapit sa 'min. Bigla kaming napatayong dalawa ni Zanmiks.

"Ano 'yun?" si Mick.

Napatuwad at napatungkod sa tuhod si Alex dahil sa pagkahingal. 'Dun pa lang sa hitsura niya'y alam ko na kung anong mangyayari. Biglang bumilis ang takbo ng puso ko dahil nahihinuha ko na, na may panganib na napipintong dumating sa islang 'to.

"Kuya, Jace," she's trying to catch her breath at tumayo ng tuwid. "Mukhang nandito na sila. Paparating na sila rito."

"Ha? Sigurado ka ba Alex? Baka false alarm na naman 'yan?" sabi ko.

"Totoo na 'to. Actually papunta na sila dun sa way kung saan ginawa namin ni Joaquin ang patibong namin. Baka in 10 mins makarating na sila. Kuya natatakot akech!"

Napaseryoso ng mukha si Mick, maging ako. Mukhang hindi magandang timing ang pagdating nila dahil sigurado akong lahat ng pinaghirapan naming patibong ay nasira na ng malakas na ulan. 'Yung mga firecrackers na pinlanta namin nina Ten e most likely basa na at hindi na gagana pa.

"Tsk... tsk... Pag minamalas ka nga naman o," sabi ko ng may pagkainis. "TARA NA!"

Dali-dali kaming tumungo papunta sa hideout namin. Hindi ko alam kung anong susunod na gagawin. Kung magtatago ba kami sa mismong lugar kung saan nakatago ang mga kayamanan o aakyat sa puno para hindi makita ng mga mapanlinlang na mga bisita.

Habang tumatakbo'y nandun 'yung halo-halong feeling na natatakot at nababagabag pero nao-overpower ito ng galit at paghihiganti. Parang tipong may gusto akong patunayan sa kanilang lahat na hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas. Basta normal lang na lumalabas ito. Iniisip ko rin na, eto ako, proprotektahan ko ang bawat isang taong nasa islang ito most specially si Zanmiks. Pero to be fair, lahat naman sila proprotektahan ko pero ang puso ko talaga, si Zanmiks ang gustong unang protektahan instead of Ten and Alex. I find him 'Weakling' kase, medyo weird lang pero parang nararamdaman kong hindi kaya ni Mick na protektahan ang sarili niya.

"JACE!" pagsigaw ni Ten while we are heading her way.

Walang sabi-sabi'y isa-isa niyang ipinasa sa bawat isa sa 'min ang mga baril. Nararamdaman ko 'yung bugso ng dugo ko as if na para akong isang sundalong sasabak sa matinding digmaan.

"Seryoso ka Ten? Pati ako?" tila pag-angal ni Alex.

"For self defense in case needed," Ten replied. "Hopefully wala namang barilang magaganap. We're here para itaboy sila. Our mission is... hindi nila matunton kung nasaan dito ang kayamanan. I know we're not a 100 percent ready pero pag magtutulungan tayo, it will be a success!"

Pinagmadali rin kaming abutan ni Ten ng 'Camouflage Suit' para isuot. Matitingkad ang kulay ng mga suot namin kaya madali kaming mate-trace ng kalaban based on our clothes. Now, we looked like real soldiers na sasabak sa digmaan.

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon