Chapter 13: Map

15.7K 512 40
                                    

Don't Forget to Vote Vote and Comment Comment! May mga fans ba ang story na 'to dito sa wattpad?

*********************************************************

Alex’s POV

 

Expected ko na ang magiging reaksyon ni Papa Jace ‘pag makita niya ako. In all fairness, papable pa din ang lolo mo kahit salubong ang kilay niya habang nakapamilog ang kanyang nguso. Ako naman si lola e nakayuko lang habang sinusulyapan ang barumbado niyang mukha, para niya akong kakainin kase sa mga titig niya kaya looking away lang ang ginagawa ko. Ginagawa ko na lang pang-akit ang Scroll na hawak-hawak ko para maibsan ang kanyang pagkasura sa ‘kin.

Hindi ako pwedeng deadmahin ni Papa Jace dahil alam niya deep inside kung gaano ako kaimportante sa misyon niya. Whether he like it or not, kailangan niyang magtiyaga sa pretty kong face and maalindog kong katawan para ma-pursue ang Ultimate Treasure Finding Experience of his lifetime. Paimportante mode lang ang peg ko pero wala siyang magagawa dahil I’m like an ‘Education’, Papa  Jace’s Key to Success!

Nakakaloka ang silence mode naming dalawa na tumagal ng twenty seconds. Nakakakaba lang ang ganung tagpo pero I know naman na he can’t resist to know the secret na pwede kong ibulgar sa kanya ngayong gabi. Feel na feel ko rin na hindi niya ako pwedeng hindian dahil hawak-hawak ko na ang mabagsik na armas para bumalik muli ang loob niya sa ‘kin, kung hindi man e atleast mabawasan ang sama ng loob niya to me.

“Alam kong ito ang hinahanap mo diba?” sabi ko sa kanya sa mababang tono pero tipong paakit. Lalong naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa ‘kin.

“Ano ‘yan?” tila pagalit niyang tanong. Sa tono ng pananalita niya e parang wala siyang kaalam-alam sa hawak kong ‘Scroll’.

“Ito lang naman ang susi sa kayamanan ng family mo Jace. Kailangan mo nang malaman ang lahat bago pa mahuli ang lahat,” sabi kong tila padikta.

Pumamewang siya habang nakatayo sa harap ko. “Sigurado ka? Mahirap namang paniwalaan na pahihirapan pa kami ni Mama para sa ganitong klaseng sensitibong misyon. ‘Wag mong sabihing Mapa nanaman ‘yan ng mga lugar kung saan ako pupunta?” pakunot noo niyang tanong sa ‘kin.

Malay ko ba sa Scroll na ‘to? Hindi ko pa nga knows kung anong merong nakasulat o nakabalot sa lumang papel na ‘to e.

Medyo na-confuse lang ako ng bongga to the highest level sa plot ng Treasure Finding ni Aling Corazon. May sinabi siya sa ‘kin na kailangan kong i-keep ‘till we see the missing piece, tapos biglang dumating si Pretty Boy Joaquin para ibigay sa ‘kin ang Mapa. Ang gulo lang o sadya talagang palpal ako pagdating sa mga instructions? Ako ang susi at kailangan kong panindigan ‘yun, dahil kung hindi, baka multuhin ako ng matanda. Ang creepy lang.

“I don’t know. Hindi ko pa nakikita ang nasa loob ng papel na ‘to. Treasure hunting again with the goons?” sagot ko sa ‘di sigurado niyang tanong.

“Saan mo nakita ‘yan? ‘Yan ba ang ibinigay sayo ni Mama?” dagdag na tanong pa niya. Hindi ko alam kung paano sasagutin ‘yun dahil hindi naman talaga si Aling Corazon ang nagbigay sa ‘kin nito. Sabihin ko na kaya na si Joaquin my love na equally good-looking like him ang nagbigay sa ‘kin nito?

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon