Chapter 35: Stalker

9.5K 523 78
                                    

Jace's POV

"Si Alex 'yun ah?" pabulong kong sabi nang makita siya sa loob ng isang convinience store. Papauwi na ako ng bahay galing ng supermarket nang bigla ko siyang mapansin.

"Tsk tsk tsk.... ano kayang nangyayari sa babaeng 'to?" tanan niya ang isang apa ng dinidilaan niyang ice cream habang salitan niyang hinihigop ang sabaw sa mainit init niyang cup noodles. Ibang klase ang trip ng babaeng 'to, mainit laban sa malamig. Ano kayang problema ng magaling na pamangkin ni Mick?

Hindi ko na nagawang pumasok at lapitan pa siya dahil feeling ko'y wala naman akong mapapala 'pag kausapin pa siya. Dumiretso na lang ako pauwi ng bahay.


Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kagabi. Napakawirdo ni Mick, siguro halata naman niyang nag-aalangan ako sa ikinikilos niya. Sobrang halatado kaseng may itinatago siya o pilit niyang iniiwasan. Nag-umpisa siyang umarteng wirdo nang mabulilyaso ang treasure finding namin sa Palawan. Sa dumadaang araw ay lalo siyang lumalala. Kahit ako mismo'y apektado na sa mga ikinikilos niya, yung tipong kinukutuban ako ng masama. Iniisip ko na lang na mali ang isinisigaw ng utak ko against him. Sana mali ako ng hinala dahil kung hindi'y baka hindi ko alam ang pwede kong gawin sa kanya.

Minabuti kong tumungo sa bahay ni Mick. Bukas ang gate, ang aso nila'y di ako tinahulan dahil kilala na ako. Nakatiwang wang din ang main door nila kaya't minabuti kong pumasok na lang bigla. Napakatahimik ng bahay, siguro'y dahil wala roon si Alex. Pansin kong may naka ready ng bag sa may sofa na siguro'y naglalaman ng damit, marahan ko itong binuksan at ito'y naglalaman ng mga damit ni Mick.

"Saan kaya pupunta ang lalaking 'yun?"

Naririnig ko ang tagaktak ng tubig sa semento sa loob ng banyo, mukhang naliligo ang mokong. Napansin ko rin ang maliit na card na nakapatong sa maliit na transparent na lamesa.

SOUTH DRIVE WINSTON PARK LAGUNA

Kinukutuban akong baka dito papatungo si Mick. Pero anong gagawin niya roon? Ito kaya ang tila pinagtatakpan niya sa 'kin na sa sobrang confidential ay di ko kailangang malaman?

Halos tumalon ang puso ko sa gulat nang bigla kong marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo. Parang ang dating e isa akong masamang loob na ang intensiyon ay pagnakawan ang bahay na 'to. Sa di malamang kadahilana'y awtomatiko akong napatakbo palabas ng bahay upang hindi makita ng wirdong lalaking iyon.

"Malalaman ko rin Mick ang tinatago mo sa 'kin. Sana mali lang ang hinala ko sayo...."

************

Buong araw ay minatyagan ko si Mick. Pasilip silip sa bahay niya at tinantiya kung anong oras siya aalis. Mantakin mong after 2 hours pa siya bago lumabas pagkatapos maligo. Nakasuot siya ng puting T-Shirt at itim na maong at itim rin ang sapatos bitbit ang itim niyang backpack. Ang asta niya'y napakaseryoso na parang goon na magnanakaw sa kilalang bangko.

"Wag lang sana Mick.... wag lang!" muli kong bulong sa sarili dahil nakakaramdam ako na may hindi magandang mangyayari.

Nakaready na akong iispy si Mick sa pupuntahan niya. Pinlano kong ibahin ang kasuotan ko, kulay pula ang maong at dilaw ang damit. Nakasuot din ako ng cap na kulay pink. Nag-ahit din ako ng bigote at suot ko ang kulay asul na shades. Sa ganitong porma'y hindi ako makikilala ni Mick.

Sinundan ko si Mick hanggang makasakay ng bus patungong Laguna. Umupo siya sa bandang harapan. Medyo kinabahan pa ako dahil baka makilala niya ako kahit napaka geeky ng suot ko. Napatingin pa siya sa 'kin habang papasok sa looban upang humanap ng mauupuan. Mabuti na lang ay hindi niya ako nakilala kaya't napabuntong hininga ako ng di oras.

Hindi ko inaalis ang pagkakatingin ko sa kanya habang umaandar ang bus patungo sa aming destinasyon kahit ulo at kanang balikat lang ang nasisilayan ko sa kanya. Maya-maya'y bigla siyang gumalaw upang sagutin ang tawag mula sa kanyang cellphone. Hindi ko naririrnig ang pag-uusap na 'yun ngunit nararamdaman kong ang kausap niya'y kunektado sa anumang pakay niya ngayon.

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon