Chapter 14: Chat

14.4K 521 77
                                    

Simple wish, pavote and most specially pacomment. Tnx sa lahat ng sumusuporta :)

Mick’s POV

 

Sinasabi ko na nga ba at nandidito lang sa bahay ng traydor na ‘to ang pamangkin ko. Binalaan ko na siya nang makailang beses na ‘wag babanggitin o papansinin ang hayop na ‘yun kahit anong mangyari pero binigo pa rin niya ‘ko. Halos umusok ang ilong ko sa sobrang galit nang makitang nag-uusap ang dalawa.

“Kuya?!” tarantang banggit ni Alex nang isigaw ko ang pangalan niya. Alam kong nasorpresa siya sa pagalit kong sigaw sa kanya.

“Umuwi ka nga sa bahay lintik ka? Anong ginagawa mo ditong babae ka?!” padikta kong tanong.

“Kuya.... kase ano?!” pautal niyang sabi na halatang ninenerbyos.

“Kase ano? Wala ka talagang kwentang kausap ano?” pagalit kong sabi.

“Pre, ‘wag mo nang pagalitan ang pamangkin mo. Ako ang nagpapunta sa kanya dito, may importante lang kaming pag-uusapan,” sabat ni Jace.

“Hindi kita kinakausap traydor ka!” prangka ko sa kanya. Pinipilit ko siyang di pansinin o kausapin pero pinrovoke niya ako dahil sa pananabat niya. Hindi pa rin humuhupa ang galit ko sa kaya wala akong magandang masasabi o magagawa sa kanya. “Umuwi ka na Alex! Bilisan mo!” pasigaw kong sabi.

“Kuya?!.... Sorry!” sambit niya na ang hintuturo’y kagat-kagat ng kanyang ngipin.

“Magtutuos tayo Alex! Marami ka ng kasalanan!”

Habang papalapit sa ‘kin ang pamangkin ko’y bigla ring lumapit sa ‘kin si Jace. Tila may gusto siyang sabihin o ipunto dahil kasing seryoso na ng mukha niya ang mukha ko.

“Ano bang problema mo Mick pati pamangkin mo dinadamay mo sa problema natin?” nakapamewang niyang sabi. 4 feet na lang ang layo niya sa ‘kin na tipong naghahamon ng suntukan.

“Tssss... Hindi kita kilala, wala akong kaibigang traydor. Please lang ‘wag mo na kaming kakausapin kahit kelan!” sagot ko sa kanya nang padikta habang dinuduro.

Si Alex ay nakapagitna sa ‘min na tila humaharang sa espasyong  pumapahiwalay sa ‘min ni Jace.

“Kung ‘yan ang gusto mo Mick wala na akong magagawa. Bahala ka na sa buhay mo, kung ayaw mong pag-usapan ang problema hindi na kita masisisi diyan.”

“’Yun naman pala e? Hindi ka naman pala tanga? Ba’t ka pa lumalapit sa ‘min? Magkalimutan na tayo kaya ‘wag ka ng umepal sa buhay namin ng pamangkin ko!” tila umuusok sa galit kong banggit.

“Deal! Sana mapanindigan mo ‘yan! Pero hindi ko maipapangako na hindi ko pwedeng hindi makausap ang pamangkin mo.”

Medyo naguluhan ako sa sinabi niyang ‘yun. Anong dahilan kung bakit gusto niyang makausap ang pamangkin ko?

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon