Chapter 31: The Punch

13.5K 649 151
                                    

"Ayos ka lang ba diyan? Gusto mo tulungan na kita?" medyo pasigaw na tanong sa 'kin ni Mick na nasa Sala habang ako nama'y narito sa kusina at nagluluto ng pulutan namin.

"Okay lang ako. Paki-ayos na lang 'yung mga gagamitin natin diyan!" medyo pasigaw ko ring sabi dahil may kalayuan ang pagitan ng living room sa kitchen ng bahay na 'to.

Nag-iba nang husto si Mick after ng naging confrontation namin nina Ate Jacky, Joaquin version 2. Parang naging instant close na siya sa 'kin na tipong kinakausap na ako, na hindi na 'yung tipong pahard to get effect. Bigla siya talagang nagbago, na medyo nahihirapan pa rin akong paniwalaan hanggang ngayon. Parang may kakaibang nangyayari sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Nag-ugat ito nung time na nagmamakaawa siya sa 'king lisanin na namin 'yung bahay ni Guadalupe Regis. Hindi ko siya maintindihan kung bakit gusto niyang umalis kami agad-agad. Inisip ko na lang na parang gut-feel lang niya 'yung masamang bagay na posibleng mangyari pero nung bumalik kami ng kusina kung saan naroon sina Alex at dalawang Joaquin, e merong nang nangyari sa kanila.

Hindi ko pa naitanong o nagawang mag-usisa sa kanya kung paano niya nalamang may masamang mangyayari nung gabing iyon. Meron akong wirdong kutob na maaaring may ideya na siya sa mga balak nung mga abnormal kong Tiyahin, pero paano? Mahirap kasing paniwalaan na may alam siya, kung wala man e paano niya natunugang may mangyayaring masama sa 'min? Pero luckily naman e it turned out to be bloodless. Natatakot rin naman ako sa mga tiyahin ko kahit halos litrato lang nila ang nakikita ko. Feeling ko kase'y mga mamamatay tao sila. Hindi sila magdadalawang isip na patayin ako basta mapunta lang sa kanila ang natatagong kayamanan ng mga Saavedra.

"Jace, bumili na 'ko ng dalawang case ng Redhorse pati dalawang Mang Juan," lumapit sa 'kin si Mick para sabihin ito.

"Sige, bayaran ko na lang mamaya."

"Sira! Ikaw na nga sa pulutan e. Sagot ko na 'tong beer. Ayos ba?" lumingon ako sa kanya at saktong paglingon ko ay kinindatan niya ako. Napakunot na lang ang nuo ko tapos biglang umiling na nangingiti.

"Ikaw ang sira!" medyo pangisi kong sabi. "Sige na malapit na akong matapos. Pumasok ka na 'ron...."

Tapos na ako sa niluluto kong sisig. Naglagay ako sa gilid ng mga sili pati kalamansi. Ipinasok ko ito at ipinatong sa lamesa na may berdeng Mantel na ipinrepara ni Mick.

Iniabot kaagad sa 'kin ni Mick ang isang bote ng Redhorse. Umupo ako sa tabi niya sabay lagay ng alak sa transparent na basong nilagyan rin niya ng ice cubes. Bago ko inumin ito'y napatingin ako sa nuo'y lumalaklak nang si Mick. Puting sando lang ang suot niya pati maiksing shorts na hindi umabot sa kanyang tuhod. Maputi talaga siya dahil nga may lahi siyang Briton, opposite naman sa kulay ko na kahit may ibang lahi'y Moreno pa rin kung titingnan. Hindi pa rin siya nagbabago, astigin pa rin na malakas ang sex appeal. Kahit mas maskulado ako sa kanya, meron rin naman siyang mamuscle muscle sa katawan. Minsan, parang nagmumukha siyang koreano sa hitsura niya.

Dumakot si Mick sa sisig na inihain ko. "Hmmmm..... sarap ah?"

Sumilip naman kaagad ang ngiti sa mga labi ko. "Masarap talaga 'yan," sabi kong ganyan. "Parang ako," sabi ko pero sa isip ko lang naman. Baka mashock lang ang mokong na 'to pag sinabi ko 'yun.

Habang kumakain si Mick ng sisig ay pasimple ko siyang tinititigan nang seryoso. May nararamdaman akong something na mali sa kanya. Gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na normal lang ang nangyayaring ito dahil matagal ko rin namang gustong magkabati kami ng tarantadong ito pero something is not quite right. Kung anuman 'yuy hindi ko pa alam at gagawa ako ng paraan para malaman 'yun. Pero ngayon, gusto ko munang ienjoy 'yung moment na kasama ko siya. Kahit papaano'y namiss ko naman 'to, 'yung nag-iinuman kami at masarap kaming nagkwekwentuhan. Tapos naalala ko pa 'yung mga moments namin na passionate talaga. Kinikilabutan ako na tipong tumataas pa 'yung mga balahibo ko tuwing naiisip ko 'yun. Hindi ko nga alam kung paano at bakit nagawa namin ni Mick 'yung mga ganung bagay. Bigla na lang din akong natatawa 'pag naiisip ko 'yun.

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon