Chapter 9: Hoodie

16.3K 581 116
                                    

Alex’s POV

 

Trip kong mag aliw-aliw tonight kaya nagpaalam ako kay Kuya na pupunta kunwari sa bahay ng classmate ko to do thesis kahit hindi naman talaga. Pupunta ako ng Bar, kahit anong bar, para libangin ang aking self and make jamming and dancing sa mga unknown guys inside. Gusto kong i-unleash ang party-loving side ko para ma-forget ko muna ang nangyari kagabi.

Nagmadali akong umalis ng bahay around 10pm na hindi nakikita ni Kuya kung anong suot ko. I’m wearing my signature Red Dress to flaunt my flawless skinny body and attract boylets na rin. Medyo kinakabahan lang ako dahil first time kong pupunta ng Bar na walang kasama. 70% ng friends ko is with Darla’s side kaya I’m expecting na kakampihan nung common friends ko ang baklang milyonaryang ‘yun. Sa ngayon, malaya muna kang magbaliw-baliwang mag-isa.

“Boom Panes Disco Bar” basa ko sa pangalan ng Bar sa harap nito na colourful ang pagkakadisenyo ng ilaw. Mukhang bago ang Bar na ‘to dahil ngayon ko lang ito nakita. Ayoko na ring makalayo-layo pa kaya’t ito na lang ang pinili ko para pagdausan ng aking kasiyahan tonight.

Habang papasok ng mismong bar, I manage to do my signature walk and fierce stare para makaakit ng mga boylets. Ang lakas ng trip ko ngayon kahit ayoko talagang mabastos ng sino mang lalaki pero I’m making a move para pagtinginan ako. E ano ba ang purpose ko dito? Maglandi? Makipag-fling? O kalimutan ang problema? Hmmmm... All of the above!

Nakikita ko ‘yung ibang mga lalaking tumitingin sa maputi kong hita. Sige tingin lang ng tinging guys pero no touch please. Medyo maingay na sa mismong loob ng Bar dahil nagsasayawan na mostly lahat ng mga tao dun. Pumunta muna ako sa may counter at umupo sa malaking stool and umorder ng maiinom.

“Orange Juice please. Yung E’ight O’ Clock,” pangiting order ko sa cute guy na bartender. Hindi ko feel mag-alak kaya orange juice na lang ang inorder ko. Ang lakas talaga ng trip ko no?

“Ma’m wala po kaming E’ight O’Clock,” sabi nung Bartender.

“Wala? E di Tang na lang.”

“Ay wala din po kaming Tang. Meron po kaming Naval Orange atsaka Valencia Orange, all natural po.”

“Ano ‘yun? Baka hindi ko naman magustuhan ‘yun. Never heard!” pasimangot kong sabi. “Ano nalang, kalamansi juice?”

“Ay sorry po wala rin kami,” maayos na pag-paumanhin ng cute na Bartender.

“Ano ba ‘yan wala rin kayo? Ano na lang ‘yung Dandandan.”

“H-ho? Dandandan?!”

“Oo, ‘yung nasa TV Commercial ‘yung Dalandan Flavor. Dandandan... dalandan..” pakanta kong sabi. “Lasap na lasap real na real real na real.”

“Ah... Sorry po wala rin kami nun dito. Why not try na lang po our Ladies Drink?”

“Ano ba ‘yan wala rin? Ayoko ng ladies drink,” insist ko sa Bartender na may pagkairita. “Bigyan mo na nga lang ako ng tubig?!”

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon