Chapter 42: The Real Mission Part 2

10.5K 387 33
                                    

"Makakaasa ka dun Ten, nandito naman kami para tumulong," tugon ni Mick.

Bakas sa mukha ni Ten ang pag-aalala na may halong pagkahiya. Maging ako rin naman ay ganun ang nararamdaman, lubhang mapanganib kase ang huling misyon na ito at nandamay pa kami ng ibang tao para lang tumulong sa amin. Hindi dapat narito sina Mick dahil labas na sila sa anumang sigalot ng aming pamilya. Pero narito siya, handang tumulong kahit hindi namin alam kung anong pwedeng mangyari. Sa katunayan nga, mas nababahala ako sa kanilang magtiyuhin kesa sa sarili ko. Wala akong pakialam kung may mangyari sa 'kin basta ang mahalaga'y maayos silang makakalabas sa gusot na hindi naman talaga dapat sila kasali.

Para maisakatuparan ang misyo'y kailangan ng masusing pagpaplano't pag-iingat. Hindi basta basta ang mga taong nais na kunin ang kayamanan dahil from the very beginning ay sila-sila rin naman ang matitindi ang interes na makuha ang mga ito.

"Maraming salamat Mick!" matamis na tugon ni Ten na may halong ngiti. "At salamat din sa inyong lahat dahil tinulungan at tutulungan niyo kami ng kapatid ko. Makakaasa kayong pag naging matagumpay ang misyon..... hindi ko kakalimutan kung anuman ang mga naipangako ko sa inyo."

"YES... Hehehe. Dapat lang!" biglang reaksyon ni Joaqiun ver. 1. Ang reaksyon niya'y nakakapagpataas ng kilay ng sinuman. Demanding!

"Kapal ng Fezlak talaga! Tsk tsk tsk!" pabulong na sambit ni Alex nang marinig ang reaksyon ni Joaquin.

"Wag kang mag-alala Joaquin. Ang pangako ay pangako...." dugtong naman ni Ten.

Nakikita ko nang nagmemake face si Alex na tila hindi na makontrol ang inis sa kakapalan ng mukha nung isa.

"Hay naku Ten. Wag na wag kang basta basta nangangako sa mga manggagantso!" pairitang sambit ng pamangkin ni Mick. "Hindi natin alam baka yung isa pa diyan ang manabotahe sa 'tin! Hindi basta basta kumukuha ng isang slice ng PIZZA yan... Kung may pagkakataon kukuha pa yan ng pangalawa, or worse kunin na lahat yung Pizza. Ganyan ang ugali ng mga manggagantso..... SAKIM!"

And Alex strikes again! Ramdam ko yung hugot niya sa pag-akusa sa bespren niyang si Joaquin. Umpisa nanaman ito ng pasaringan ng dalawa.

"Nagpaparinig ka bang payatot ka? Hindi kita kinakausap kaya 'wag kang sumabat!" tila umuusok ang ilong nito na tugon kay Alex. "At isa pa, kung gusto mo ng pizza... BUMILI KA! Naiinggit ka lang kase wala ka! Atsaka hindi ka maganda paalala ko lang sayo!"

Biglang nanlaki ang mga mata ni Alex. Alam kong nang dahil yun sa paratang ni Joaquin na hindi raw siya maganda.

Biglang napatayo ang pamangkin ni Mick at napamewang, senyales nanaman ng walang katapusang pasaringan nila. Kung pwede lang sanang mag-walk out dahil hindi ako interesado sa kung anumang issue meron ang dalawa sa mga buhay nila.

"Kanina ka pa ha? Ako hindi maganda? Well??? MAGANDA AKO! IKAW PANGIT! Kamukha ka ni..."

"CHOKOLEIT?" mabilisang dugtong ni Joaquin. "Siya nanaman? Akala mo maaasar pa ako? Hindi na uy! Paulit-ulit ka na lang! Wala ka ng maisip na ibang bago! Nagmumukha ka lang engot!... Hindi ka pa kase umamin e.... Kaya ka galit na galit sa kin kase.... Crush mo 'ko! Umamin ka na!"

Biglang nag-iba ang mood ko, imbes na magalit e napangisi akong bigla. Tinitingnan ko kung anong magiging reaksyon ni Alex, na nuo'y parang tinatayuan na ng mga balahibo sa katawan.

"What The???? Hahaha," si Alex na medyo sarcastic ang tawa with matching artificial palakpak. "CRUSH talaga? Hindi ba pwedeng CRASH muna, with an 'A'? Gusto kong i-crash ang mukha mo sa lubak na lubak na simento dahil sa kapangitan mo. And if knows ko lang na may CURSE yung mga kayamanan e hindi na sana kita pinagbawalang kumuha! Tinulungan pa sana kita para kunin ka na ng mga multong pirata tutal mukha ka namang palakang pirata! Dun ka sa kanila nababagay!" pasigaw ni Alex na halos makita mo na yung nerves sa gilid ng leeg niya.

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon