Chapter 2: Miss

25.9K 759 95
                                    

 

Alex’s POV

 

Hindi man aminin ni Kuya e alam ko kung ano ang tinatakbo ng puso’t isipan niya. Confirmed! Ayaw lang niyang umamin sa relasyon nila dati ni Kuya Jace. Sabagay, mahirap nga namang aminin ang bagay na personal gaya ng ganong klaseng pag-ibig. This is only a proof na walang pinipili ang pag-ibig kahit ano pang gender mo. ‘Yun nga lang, dahil na ‘rin sa pressure ng lipunan, mas maiging sarilinin na lang nila ‘yung nararamdaman nila. Ang hirap ‘no? Mabuti na lang ako at walang issue sa sexuality kahit na naparatangan akong tibo. It hurts then it sucks!

On my way inside our house na ako para i-check kung ano nang nangyari sa Kuya ko. Napaka-obvious naman niyang magselos na may pa-walk out- walk out pang nalalaman. Nang maitapak ko na ang kaliwa kong paa sa loob ng bahay ay nakaramdam ako ng sakit mula sa aking kaliwang tenga. Sorpresa akong piningot ni Kuya na nakatago lang pala sa gilid ng pinto.

“A-arrrrayyyy.... Ouch.... A-arrrray...” daing ko habang hinihila niya ang aking tenga papuntang Sala.

“Magtiis ka sa sakit kerengkeng ka!” diin niyang sermon.

Ramdam ko ang hapdi nang pagkakapingot niya na siyang ikinapula ng tenga ko nang ma-icheck ko sa kaharap kong salamin. ‘Yun na ata ang pinakamasakit na pagpingot niya sa ‘kin simula nang mapunta ako sa kanya.

“Aray ko naman Kuya, ba’t ka naman namimingot?” reklamo ko.

“Nagtanong ka pa? Ba’t ka nakikipaghalikan kay Jace ha? Ikaw Alex ha, hindi na tama ang ginagawa mo! Ke babae mong tao napakababa ng lipad mo!”

“Grabe ka naman Kuya? Kung makasumbat ka para akong nagbebenta ng aliw sa kalye ha?” dipensa ko sa kanya.

“Wala kang pinagkaiba sa kanila sa ginagawa mo uy! Ano bang ginagawa niyo sa kusina ha? Seryoso ako!”

Napabuntong hininga ako at naghanap ng maayos na maidadahilan sa kanya. “Ginawa namin ‘yun para malaman kung magsese......” hindi ko natapos na sasabihin.

“H-ha?”

Umupo ako sa Sofa at sinabi ang maidadahilan. “Ano kase. Gusto kong malaman kung.... Namiss ba niya ako?”

“Ano? Namiss lang kiss kaagad? Ako Alex ‘wag mo ‘kong pinaglololoko ha?”

“Joke lang Kuya. Ano kase... e teka muna ba’t ba big deal sayo ang kiss na ‘yun? ‘Wag mong sabihing nagseselos ka?” biglang prangka ko sa kanya.

Pansin kong biglang natameme siya ng saglit nang biglang ibato ko sa kanya ang isang napaka-awkward na tanong.

“Nagseselos pala ha? Dahil hindi ko nagustuhan ang hirit mo....... wala kang allowance ng isang linggo!”

Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko nang marinig ang napakasamang balita na gumimbal sa buong kaluluwa ko.

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon