Chapter 25: Love the Way You Lie

12.7K 530 121
                                    

May halong kung anong gamot pala ang banga (tapayan) na lalagyan ng tubig ni Manong kaya lahat kami'y nahilo at nahimatay nang inumin naming ito. Mabuti na lang kamo at hindi naparami ang inom namin dahil kung hindi'y baka panghabambuhay na kaming walang malay. Pangontra daw niya ito sa mga masasamang elemento sa isla; mapa tao, hayop o ispirito.

Ipinulong kami ni Manong upang pag-usapan ang aming pakay. Umupo kaming lahat sa may bilugang kahoy na lamesa para sa seryosong pag-uusap. Nasa kaliwa ni Manong kami ni Mick, sa gitna si Joaquin version 2 at katabi naman sa kanang parte ng matanda si Alex na nakaposas sa kaliwang kamay ng bespren niyang si Joaquin.

"Dencio ang pangalan ko," pagpapakilala niya. "Kung maitatanong niyo."

"Manong Dencio, wala ka ba talagang balak pakawalan ang beauty ko sa posas na 'to?" reklamo ng kanina pa iritableng si Alex.

"Ayoko munang pag-usapan ang parusa ko sa inyo. Mapunta tayo sa inyong sadya."

Madali kong kinuha ang Mapa upang ipakita ito kay Mang Dencio. Ibinuklat naman ng matanda ang Mapa.

"Sa Snake Island ang susunod na destinasyon namin gaya rin ng sabi niyo. Diba ang Snake Island na 'yan ay makikita si El Nido, Palawan?" tanong ko sa kanya.

"Tama ka iho. 'Dun nga ito makikita, pero bago ang lahat ng iyon, may kailangan akong ibigay sa inyo," kinuha ni Manong ang ibibigay sa 'min na nakabalot sa isang puting tela. Isang susi na may heart-shape sa dulo.

"Sa islang iyo'y kailangan niyong hanapin ang isang taong nagngangalang 'Guadalupe Regis'. Ibigay niyo lang sa kanya ang susing ito at ibibigay niya sa inyo ang kailangan niyo."

Iniabot sa 'kin ng matanda ang susi. Gawa ito sa ginto na medyo may kala-kalawang sa gilid dahil sa katandaan nito.

Biglang nagtanong si Mick kay Mang Dencio habang masusi kong pinagmamasdan ang mahiwagang bagay. "Sino ho ba kayo sa buhay ni Aling Corazon? Anung kinalaman niyo sa misyong ito? At bakit nakatirik ang bahay niyo sa gitna ng isla? Nasaan 'yung punong maayos na nakatayo rito dati?" sunod-sunod na tanong niya.

"Oo nga Manong Dencio? Where's the Tree of Friendship?" dagdag na tanong ni Alex.

Muli kaming nginitian ng matanda na tila kumpyansa sa napakaimportanteng katanungan sa kanya. "Matalinong katanungan. Pero sa ngayon, wala muna akong kailangang sabihin sa inyo.... malalaman at malalaman niyo rin 'yan 'pag natapos niyo na ang misyong ito."

"Lolo ko ho ba kayo? Naging karelasyon niyo ba ang nanay ko?" dagdag na tanong ko sa kanya.

"Sabi ko nga, malalaman at malalaman niyo rin kung sino ako kahit hindi ko na sabihin sa inyo. Ang tanging responsibilidad ko lang sa inyo ay ang iabot ang importanteng bagay na 'yan sa ikakatagumpay ng susunod niyong pakay."

Napakamahiwaga ng matandang ito. Ramdam kong kunektado siya sa mga Saavedra kaya ginawa siyang isa sa mga tauhan sa napakalaking palaisipan ni Mama. Hindi ko lang maunawaan ang rason kung bakit siya naririto, at kung bakit naputol ang puno. Isa ba 'tong palatandaan na may malaking hidwaang naganap na hindi ko pa nalalaman? Patungkol pa ba ito sa misyon o sadyang may taong wala lang puso na pumutol sa punong nakatirik dati rito?

"Ganun lang po ba 'yun?" ani Alex. "Nakakapagtaka naman po Manong, mahirap bang sagutin kung bakit pinutol ang puno?"

"Pinansibak para panggatong nga niya e, mahirap bang intindihin 'yun?" biglang sabat ng kaposas niyang si Joaquin. Napatitig tuloy si Alex sa kanya ng masama.

"Si Manong ka ba? Wala ka ng ibang alam na rason kundi 'sibak'. Sabagay, mukha namang sinibak ang mukha mo!" bulyaw ni Alex.

"Talaga? E ikaw naman mukhang panggatong! Bagay na bagay sayo 'yung bomba sa katawan mo. May bomba na, libre panggatong pa!" ganti ni Joaquin.

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon