Chapter 10: Blow

17.8K 562 76
                                    

Alex’s POV

He’s drop dead gorgeous! He’s so freakin’ GWAPO. Nananaginip ba talaga ako? Is he even trying to RAPE me? Oh my god I’m more than willing para mahaluan ng ibang lahi ang magiging anak ko. Grabe lang ba’t ganito ako mag-isip? Vhaket? Pero totoo ‘yun, I’m willing to get pregnant now. As in now! Rape me Joaquin... Joaqui.... Joaq.... Joaquin? Seriously? Of all the names talagang kapangalan pa niya ang pinaka pesteng lalaking nakilala ko sa tanang buhay ko na Doppelganger pa nung mukhang buteteng si Darla.

“Joaquin? Sure ka?” medyo may pagkatangang tanong ko sa kanya.

“Syempre naman. Bakit?”

“W-wala. Medyo.... may naalala lang ako sa pangalan mo, kaso hindi maganda,” pahiyang ngiti ko sa kanya.

Hindi talaga ako maka get-over sa kagwapuhan ng Joaquin na ‘to. He’s the complete opposite of Echoserang Joaquin. Ang Joaquin na kaharap ko ngayon e parang Prince Charming lang ang peg sa story ni Cinderella. My heart skips a beat. I can’t breathe properly. OMG! Gumagaling akong mag-english kapag sa isip ko ginagamit pero waley ‘pag bumuka na ang bibig ko. OMG, I’m gonna die.... sa KILIG.

“Na sayo pa ‘yung Scroll diba?” He stared at me pulling up a seductive smile. Fushia naman talaga! Lakas maka watty.

“Ah... eh.... Syempre naman. Hindi ko pa siya nabubuksan, nakatago lang,” sabi kong tila kinikilig.

“Sigurado ka? Hindi mo man lang naattempt na buksan?” medyo pasimangot niyang sabi.

“Para saan? You know? Ahhhhmmm...” paputol-putol kong sabi. Ang gwapo kase niya kaya hindi ako makapag focus sa sasabihin ko. “Diba sabi mo sa ‘kin i-keep ko lang siya kaya ganun ang ginawa ko. Pero teka lang, aside from your name, sino ka bang talaga?”

Medyo nag-iba ng konti ang pigura ng mukha niya. Kanina’y seryoso ng slight e ngayon e medyo maaliwalas na siyang tingnan.

“Ako’y parang ikaw. Nandito ako para sa isang secret mission.”

Ano raw? Siya’y parang ako? What’s the meaning of that? Are we one? Are we soulmate? Are we destined to love each other? To build a family and a towering house? To have our own baby? Oh my god! Is it destiny? O sadyang malandi lang ako mag-isip?

Napangiti ako ng slight sa sinabi niyang ‘yun. “Para kang ako? May secret? Ganun?”

“Nandito ako para tulungan kang hanapin ang kayamanan,” tuso niyang sabi.

Teka lang muna? Bakit siya ang maghahanap ng kayamanan e anak ba siya ni Aling Corazon? Parang wala naman akong natatandaan na ibang naging anak niya o inampon other than Papa Jace.

Medyo naguguluhan lang ako dahil contrary sa secret ni Aling Corazon ang binigay niya sa ‘king Scroll. Natatandaan ko ‘yung sinabi nung matanda na maaaring magbago ang plano pero kelangan stick pa din ako sa napag-usapan. Ito na ba ‘yung sudden change of plan na ‘yun? Pucha naman si Aling Corazon O? Ako pa talaga ang pinapasolve niya ng mga misteryo niya sa buhay e ang hina-hina pa naman ng kukote ko sa mga ganyang bagay.

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon