Spotted

1.1K 29 3
                                    

Mom, isn't it weird that dad's been coming here quite often," puna ni Luciaen habang naghuhugas ito ng mga plato.


"Huh, what do you mean?" Naptuwid na lamang siya ng mukha nang bumaling dito nang mabatid ang kakaibang lungkot at panghihina sa tono ng boses nito.


Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa kanyang anak pakaharap nito. "I mean, parang halos araw-araw na yata siyang dumadaan dito, don't you find that strange?" saad ng dalaga kahit tila nag-iiwas ito ng tingin.


Napangiti na lamang siya ng tuwid sa anak. "Gusto niya lang naman bumawi sa inyo," malumanay niyang sagot.


Alam niya naman na hanggang nga mga panahon na iyon ay naroon pa rin ang tampo ng mga ito sa ama.


"I kinda doubt that, since there hasn't been any chance that he actually had the guts to face any of us, besides kina Anakiel." Naparolyo na lang ito ng mata habang sinasabi iyon.


Doon na siya tila napasalubong ng kilay. "Really, kahit kina Laydon or Laudrian?" turan na lang niya.


"Yes mommy," tuwid at mabilisan na sagot ni Luciaen.


"Okay," ilang sandali tuloy siyang napaisip dahil doon. "I'll talk to him then."


Napabuntong hininga na lang muli ng malalim si Luciaen pakahalukipkip. "Mommy, if he really wanted to talk to us, he would have done it a long time ago," walang gana nitong sagot.


Natahimik na lang si Lucy nang mabatid ang pagkadismaya at irita ng anak pakasabi noon. Ang buong akala niya kasi ay kahit papaano ay nakakausap na nito ang ibang mga anak nila, kaya pilit itong nakikipagmabutihan ngayon.


"You better go mommy, baka ma-late pa kayo," dugtong nito dahil sa ilang saglit na pagkatulala ni Lucy.


Mabilis na lang siyang napaayos at pilit na lamang nagpalitaw ng isang matamis na ngiti upang kahit papaano ay hindi nito mabatid ang pag-aalala niya.


"Okay baby, let's talk later okay," marahan na lang niyang hinaplos ang pisngi ng anak.


"Okay mommy," ngiting sagot nito pakahalik sa kanyang pisngi.


Mabilisan na lamang siyang tumalikod upang huwag ng makita ang kakaibang lungkot sa mata ng anak, naroon kasi ang bigat sa kanyang pakiramdam sa kaalaman na mukhang tama nga ito sa naiisip tungkol sa ama.


"Boy's c'mon, we're going to be late for school," tawag na lang niya sa mga bunso.


Dali-dali naman na nagtakbuhan ang dalawa pababa ng hagdanan buhat ang mga bag ng mga ito, kaya naman inalalayan na lang niya ang kambal para mapabilis na ang kilos nila.


Naroon rin kasi ang pagnanais niya na tapusin ang ilan mga bagay upang makatuloy na sa lakad ng araw na iyon.


Matapos ihatid papasok sa loob ng eskwelahan ang mga anak ay napatigil na lang siya nang bigla na lang siyang hintuan ng isang sasakyan sa tabi ng daan habang papalabas ng naturang lugar.

Their Complexities (Book 3 of 3)Where stories live. Discover now