Clarity

1.5K 32 14
                                    

 "Dydy, what's wrong, bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" pansin ng dalaga.

Nakatulala kasi si Andrew sa kisame habang nakahiga, katatapos lamang ng mainit nilang pagtatalik kaya naman parehas silang nagpapahinga. Hubo't hubad pa nga sila sa ilalim ng kumot at magkadikit pa rin.

Nakapatong papayakap si Rosaly kay Andrew at pinaglalaro ang mga daliri sa dibdib niya habang nakaunan ang kanyang kamay sa ulo nito.

Pinilit niya na lamang ngumiti pakabaling dito. "I'm just contemplating on some things."

Napanguso na lamang ang dalaga sa kanya. "Palagi ka na lang ganyan nitong nakaraan araw, diba dapat nga nagrerelax tayo ngayon. Huwag mo na muna kasi isipin iyong mga problema mo," pagmamaktol nito.

Napatawa tuloy si Andrew ng pagak sa inaasal nito, buong ingat na lang niyang hinaplos ang buhok ng dalaga. "I'm sorry baby girl, I just have so many things in my mind right now. Specially now na ang daming problema ng mga panganay ko, I need to think of a way to at least help out," buong lambing niyang paliwanag.

Ganoon na lang tuloy ang pagkusot ng noo ni Rosaly. "Wala naman iyon problema sa akin, kaso parang kinakalimutan mo na kasi ako, pumupunta ka na lang yata dito to have sex," tila naluluhang sambit nito habang hinahaplos ang pisngi niya.

Muli na lang tuloy siyang napatawa dahil sa pagkaaliw, alam niya naman na nagtatampo lang ito ng mga oras na iyon.

"It's not like that baby girl, I just have priorities." pinisil na lang niya ang ilong nito para asarin.

Lalo lang napakusot ng mukha si Rosaly. "Paano naman ako?" Humalukipkip na lang ito sabay talikod sa kanya habang nakahiga pa rin sila.

Ipinulupot niya na lang ang mga kamay sa katawan nito upang tanggalin ang agam-agam ng dalaga."Hindi naman kita pinapabayaan ah," malambing na bulong na lang niya dito sabay halik sa balikat nito.

"Naiitsa pwera na kasi ako." Naroon na ang panaka-nakang hikbi sa boses ni Rosaly. "Sabi mo pa, pakakasalan mo ako, tapos ganito lang pala." Napasubsob na lamang ito sa unan pagkatapos ay doon na umiyak.

"Baby girl naman." Mas hinigpitan na lang niya ang yakap dito habang pinauulunan ito ng halik sa bunbunan. "It's not that easy, I'll keep my promise naman, pero I'd want to get my children's approval first, ayaw ko naman maulit iyon nangyari sa akin noon."

Totoo naman kasi iyon, kaya niya nga ito ibinahay at pinaglalaanan ng oras. Hindi niya nga lang magawang pagbigyan ang nais ng dalaga dahil na din sa ayaw niya ng maulit ang nangyari noon kasal nila ni Vanessa, kung saan alam niyang marami ang hindi iyon tanggap.

Doon na humarap si Rosaly. "What if hindi sila pumayag, eh di paano na ako?" Naroon na ang pamamasa ng mga mata habang napapakagat sa ibabang labi.

Hinaplos kaagad ni Andrew ang pisngi nito habang ipinagdidikit ang kanilang mga noo. "That's why I'm thinking of a plan nga, I'm just asking for some time. So please, try to understand naman, hindi naman kasi madali ito para sa akin."

Marahang siyang tinulak ni Rosaly bago ito bumango sa pagkakahiga. "Nagawa mo naman iyon dati, bakit ngayon hindi." Napahampas na lang ito sa hita dahil sa inis.

"That's different," pilit na lang pagpapaintindi ni Andrew.

Ang rason lang naman kung bakit minadali niya ang kasal nila ni Vanessa ay dahil sa kadahilanan na wala silang kasiguraduhan kung hanggang kailan pa ito tatagal ng mga panahon iyon, kaya nakiusap ito sa kanya na kung maaari ay mag-isang dibdib sila habang maayos pa ang lagay ng kalusugan nito.

"Kapag sa iba pwede, pero kapag sa akin hindi," Maktol ni Rosaly habang ipinupulupot na ang isang kumot sa katawan.

Napaupo na rin si Andrew sa kama upang mahawakan ang balikat nito. "Baby girl," subok niyang alo muli dito subalit agad na itong tumayo.

Their Complexities (Book 3 of 3)Where stories live. Discover now