A possible sidetrack

499 23 5
                                    

"Got to look nice, got to look nice," paulit-ulit na turan ni Andrew.


Kasalukyan siyang nakaharap sa salamin, ngiting-ngiting nagsusuklay ng buhok upang gawin itong maayos at pulido. Matapos noon ay agad siyang nag-sipilyo, mouthwash bago magpabango.


"That should do it!" masaya niyang turan sabay kindat pa sa sarili.


Bahagya pa siyang pumostura upang sipatin ang kanyang pigura habang nakatuwalya pa. Maayos pa rin naman ang kanyang braso, hindi rin naman malaki ang tiyan at litaw pa rin naman ang mga guhit niya sa katawan dala ng masidhi niyang pagbubuhat nitong mga nakaraan buwan.


Masaya ang bawat huni niya habang pumipili ng maisusuot. Nagdedesisyon siya sa kung ang polo shirt ba or magshi-shirt at coat na lang siya na teternuhan ng maong. Bangang huli ay ang ikalawang damit ang naisipan niya dahil mas elegante. Tinernuhan niya na rin iyong ng relo at rubber shoes para naman kahit papaano ay magmukha pa rin siyang bata.


Nais niyang makasigurong maayos, kahali-halina at ang pinakamatino niyang hitsura ang masisilayan ni Lucy ngayong araw.


"Daddy, we're going to be late!" Sigaw na ni Vance mula sa baba ng bahay.


Mukhang naiinip nanaman ito dahil sa ilang oras na rin ang itinagal niya habang nag-aayos.


"Just a minute," sagot niya na lang sa anak.


Dali-dali na niyang kinuha ang bungkos ng bulaklak, isang maliit na kahon na mayroon kulay pulang balot na sinelyuhan pa ng isang gintong laso.


Sa ilang buwan na panunuyo't panghahalina niya kay Lucy sa tingin niya ay iyon na ang tamang oras upang sabihin na rito ang ninanais. Sigurado niyang alam na rin naman nito ang kanyang gusto.


Hindi na rin naman sila bata at kailangan na rin naman nilang malagay sa payapa. Aminado naman siyang nagkamali siya noon una dahil masyado siyang nagpadalos-dalos sa mga ginawa. Subalit sa mga panahon na hindi niya kasama ang si Lucy ay napagtanto niya ang kahalagahan nito sa kanyang buhay.


Sa dami na ng babaeng naikama, nakarelasyon, naibahay at nakasama niya, si Lucy lang yata talaga ang namumukod tangi sa mga ito.


Naroon ang angkin nitong tapang at lakas ng loob sa oras ng kagipitan at pangangailangan, subalit naroon rin naman ang angkin nitong pagiging maalaga, maasikaso at maalalahanin kapag sa dumating na sa mga anak at sa kanya. Higit sa lahat ni minsan ay hindi siya nito binigyan ng sakit ng ulo sa kahit anong materyal na bagay, pamilya o kahit pa sa kama noon nagsasama pa sila.


"How does daddy look?" turan niya kaagad sa bunsong anak pakababa.


"You look handsome daddy," magiliw nitong saad na napapataas pa ng kamay.


Ganoon na lang ang tawa niya habang pinipisil ang ilong ng anak. "C'mon na, naghihintay na sa atin si mommy Lucy mo." Mapaglaro niya itong binuhat, inaalog-alog pa sa tuwa na siyang nagpatawa rito habang papunta sila sa sasakyan.

Their Complexities (Book 3 of 3)Where stories live. Discover now