Gifts

867 32 4
                                    

 "Uhm, who sent this?" Napataas na lamang siya ng isang kilay pakababa sa may sala nila.


Nadatnan niya ang isa sa mga panganay na anak na nag-aayos roon ng ilang mga vase sa sahig at lamesa. Punong-puno ng iba't-ibang mga tumpok ng bulaklak ang buong lugar na mapapagkamalan ng hardin sa dami ng mga ito.


Agad nag-unat si Luciaen pakaharap sa kanya. "I don't know mommy, the delivery guys just came and dropped these, meron pa nga sa labas." Turo nito sa may garahe nila.


Dali-dali na lang tuloy siyang napababa upang suriin ang mga iyon at ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita ang ilan pa sa mga ito na nasa labas.


"Bakit ang dami naman?" bulalas na lang niya pakabukas sa pinto nang makita ang mga anak na nag-aayos pa ng ilan mga tumpok sa labas.


Pati ang buong garahe at harapan nila ay natatakpan na ng halos samo't saring mga mga bulaklak.


"Maybe it's someone who want's to say sorry," turan na lang ni Lucaien ng may ngiti pakaabot sa kanya ng isang maliit na sobre.


"Oh." Napatuwid na lang siya kaagad ng mukha nang may maalala habang inaabot ang naturang bagay.


Isang tipid na ngiti ang namutawi kay Lucy nang buksan iyon at makita ang isang tarheta na may nakasukat na 'Sorry' kulay ginto at kumikinang pa ang mga letra nito.


"This is so sweet, there are Hyacinth and yellow Roses mixed in almost everyone of them, parang pinakyaw na yata ng gumawa nito iyong buong shop!" kinikilig saad na lang ni Luciaen.


"Oo nga," napatawa na lang siya habang pinagmamasdan ang mga ito.


"And it's quite the effort, do you know anyone who'd actually have the time to do this, I bet ilang tindahan ang pinuntahan niya para makakuha ng ganito karami?" ngising pamamaywang na lang ni Luciaen na pinagtaas baba pa ang kilay.


Napakagat na lamang si Lucy sa ibabang labi nang maalala kung sino ang pwedeng gumawa noon. "I do have someone in mind," malapad na ngiting sagot niya sa anak.


Isang makulit an tili ang kumawala sa anak niya bago ito yumakap ng mahigpit sa kanya. "Well mommy, you should really thank the person who did this. I mean, wow lang ha!" Pagpapaikot nito ng mata habang ipinapakita sa kanya ang ilan sa mga higanteng Rosas na naroon.


Isang pasimpleng lunok na lamang ang nagawa niya habang napapangiti. "I will," malambing niyang sagot sa anak.


"And just for the record mommy, we really don't mind if you dated again. As long as you are happy," marahan na halik ni Luciaen sa kanya.


"Thank you baby." Napayakap na rin siya rito nang ikulong nanaman siya nito sa mga bisig.


Kahit na ganoon sinabi na iyon ng anak ay sadyang hindi pa rin niya magawa umamin sa mga ito.


Their Complexities (Book 3 of 3)Where stories live. Discover now