Cornered

715 33 12
                                    

"Wow, this looks really expensive Andrea, baka naman ang laki ng nagastos mo dito?" sita niya na lang sa kaibigan.


Mula kasi ng pagsakay nila ay halatang magarbo ang naturang barko sa laki at desenyo nito, maliban doon ang mga silid na ibinigay sa para sa kanila ng mga anak ay tila ba pang mga V.I.P. idagdag pa na asikasong-asikaso pa sila ng ilan sa mga staff doon.


"Nope, I'm actually here for work since I need to check on the ships amenities to make sure na everything is top class," agad na sambulat na lamang ng kaibigan.


Hindi niya napigilan ang mapataas ng isang kilay sa sinabi nito. "Wait, is this one of your families properties? Baka naman magkaproblema ka kapag nalaman nila na sinama mo pa kami, hindi ka ba masisita nito?" sermon na lang niya dahil sa pag-aalala.


Hindi niya mapigilan ang mataranta at mag-aalala lalo pa at parte pala ng trabaho ng kaibigan ang naturang bakasyon nila.


"Don't worry, it's not like this an international cruise or anything, and sino naman sa tingin mo ang sisita sa akin, si Andy?" Natatawang turan na lang nito.


"Kahit na, alam mo naman kung gaano kametikoloso ang family niyo pagdating sa ganito, and akala ko ba kasama natin parents mo?" Puna niya na lamang nang maalala ang tungkol sa bagay na iyon.


"They decided to go to europe to visit mommy's friend na na-hospital, and I need rin naman an outside opinyon about this. Besides, I set you up as Lawndalions representative since hindi pa siya pwede sa mga ganito, so you're a stand in pa rin para sa anak mo, so don't worry too much," turan na lang nito habang iwinawagayway ang kamay sa kanya.


"Huh, paanong stand in?" Hindi niya napigilan ang mapakunot ng noon nang mabanggit ang pangalan ng isa sa mga panganay niya.


"Hindi ko ba nasabi, kay Lawn na ito ipapamanage kapag naayos na ang lahat," sambit na lang ni Andrea.


"Oh," iyon lamang ang nasabi niya dahil na rin sa pagkasorpresa.


Medyo nakadama siya ng pagkalito at gulat dahil na rin sa katotohanan at kaalaman na medyo magulo pa rin ang kasalukuyan nilang lagay ng mga ito.


"And lilibot lang tayo sa ilang tourist islands dito sa atin," muling sambit na lang ni Andrea nang tila matahimik na lang siya.


"Oh, then this is a big step for you, lalo pa at iilan lang ang ganito dito sa atin," pagbati niya na lang sa kaibigan.


"Yeah, though hindi kasi siya ganoon kasikat sa mga locals," napabuntong hininga na lang ito habang napaparolyo ng mata.


"Pero mukhang enticing naman siya, lalo pa't ang ganda at laki nitong barko," puna niya na lang muli.


"Yeah, pero alam mo naman ang marami sa atin, mas gusto nila ang sa ibang bansa rather than dito sa atin, you'd be amazed kung gaano karami ang tourist spots na pwede puntahan dito na talagang dinadayo ng mga foreigners," turan na lang nito.

Their Complexities (Book 3 of 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon