Concerns

1K 39 16
                                    

 Paulit-ulit sa alaala ni Andrew kung paano walang alinlangan na sinundo si Lucy ng kalaguyo nitong binata sa pamamahay nito at sa mismong harapan pa ng mga anak niya, naroon pa rin ang pagkalito sa kanya ng mga sandaling iyon kung bakit ni isa sa mga ito ay wala man lang pumigil sa dalawa. Naroon tuloy ang malaking katanungan sa kanya kung anong ginawa ng mga ito para maging katanggap-tanggap sa mga anak nila.

"Dydy, what's wrong?" Mapaglarong pagpapalakbay ni Rosaly ng daliri sa dibdib niya.

Kasalukuyan silang nakahiga ng dalaga sa kama, hubo't hubad na magkayakap habang nagpapahinga.

Wala sa sariling napabaling na lang siya dito."What?"

"Parang ang lalim nanaman ng iniisip mo ngayon," nguso nitong sambit.

Napabuntong hininga na lamang siya nang makita ang tampo sa mukha ng dilag."I just have a lot of stuff on my mind right now baby girl."

"Dydy naman eh, hindi ba dapat ako lang iniisip mo kapag magkasama tayo." Agad ipinulupot ni Rosaly ang mga kamay sa kanyang leeg.

Batid ni Andrew na naghahanap nanaman ng atensyon ang dalaga at pangangalinga ang dalaga dahil sa kakulitan nito.

"I'm also thinking of you din naman," magiliw na lang niyang pisil sa pisngi nito.

Hindi niya naman sadyang balewalain ang dalaga subalit sadyang gulong-gulo lang siya ng mga sandaling iyon dahin sa inis at pagtataka.


"Anong naman iniisip mo?" Buong lambing na idinantay na lang ni Rosaly ang ulo sa balikat niya.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Andrew."I'm just weighing things, in the coming years and all."

"Coming years?" Napakunot na lang ito ng noon sa pagkalito.

"You know, the future," pigil tawa niya na lamang sa pagkaaliw.

Mabilis nagningning ang mga mata ng dilag, kasabay ng paglitaw ng malapad na ngiti sa mukha nito.

"Included naman ako diyan diba!" kinikilig na saad nito habang napapahigpit lalo ng yakap.

Ganoon na lamang ang panandalian pagkablangko ng kanyang isipan, pero agad din naman siyang nakahupa nang maalala kung sino ang kaharap.

"Of course you are baby girl." Buong giliw niyang haplos sa pisngi ng dilag.

Napakislot si Andrew nang madama na lang ang mapaglaro nitong kamay sa kanyang ari, naroon na ang panaka-naka nitong paghimas at hawak roon upang ito'y magising.

"Eh, bakit parang wala ka naman gana ngayon?" nguso ni Rosaly nang masilayan ang medyo naninigas na pagkalalake na ayaw pa rin magising ng tuluyan.

"I'm just really tired right now," pakiwari ni Andrew dahil sadyang wala siyang lakas ng mga oras na iyon.

"Parang hindi naman eh," hagikgik na lamang ni Rosaly nang makitang medyo umaangat-angat na ito matapos ng ilang sandaling panghihimas.

Naroon man ang dulot na kiliti ng ginagawa ng dalaga at unti-unting paggising ng katawan niya, sadyang wala ang utak niya sa bagay na iyon ngayon dahil sa mga gumugulo sa kanyang isipan.

"Kamusta pala iyong pamamasyal niyo ni Vance last week, were you two getting along?" pasintabi na lang ni Andrew.

Mabuti na lang at mabilis nakuha noon ang atensyon ng dalaga dahil bumalik ang mga palad nito sa paglalaro sa kanyang dibdib.

"Ay naku Dydy, tuwang-tuwa si Vance while we were shopping, binilhan ko pa nga siya ng mga laruan niya and gustong-gusto niya rin iyong pinuntahan namin na aquarium, nagpapicture pa nga siya doon, pero naubos ko iyong budget na ibinigay mo sa pamamasyal, so hindi ako nakapag grocery para sa bahay, and iyong bills hindi ko pa nababayaran."

Their Complexities (Book 3 of 3)Where stories live. Discover now