Having it

803 34 11
                                    

Dalawang oras, ganoon na katagal nagtitiis si Andrew sa pagpapabalikbalik mula sa naturang gusali at sa kanyang sasakyan. Sa ngayon ay napagod na siya sa kakahanap sa naturang unit ni Lucy kaya minabuti niya na muna ang mag-abang sa nakaparadang kotse sa takot na baka magkasalisi sila.


Hindi man siya mapakali dahil sa inis at galit ng mga sandaling iyon sa kung ano na ang mga pwedeng nangyayari, subalit wala naman siyang magawa dahil hindi nito sinasagot ang kanyang mga tawag.


Hindi niya rin magawang mahagilap si Jordan ng mga oras na iyon para sana matanong kung anong ginagawa ng anak nito at kung nakasama ba sa mga ipinatrabaho niya dahil na rin sa hindi niya ito matawagan.


Para na siyang mababaliw ng mga sandaling iyon sa pagkataranta at kaka-isip sa kung ano na nga bang nangyayari kay Lucy, kaya't ganoon na lamang ang lalong pamumuo ng kanyang galit.


Hanggang sa wakas ay makita niya na itong lumabas matapos ang ilang sandali. Doon na tila gumaan ang kanyang pakiramdam at nakahinga ng maluwag, dahil na rin sa bugso ng kanyang galit ay walang pasabi na lang niyang pinasibad ang sasakyan papunta rito.


Halata naman gulat ni Lucy nang makita ang biglaan pagparada ng itim at magarang sasakyan sa harapan nito. Napaatras na lamang ang babae habang napapataas ng isang kilay nang ibaba na ni Andrew ang salamin noon.


"What have you been doing all this time? Do you even know how long I've been waiting here for you!" bulalas niya na lang.


Hindi niya na napigilan ang sarili dahil sa inis at pagka-irita sa tagal nito roon, maliban pa sa katotohanan na hindi niya alam ang ginagawa nito sa naturang lugar.


Mabilis naging matalim ang mga titig ni Lucy kasabay ng paghalukipkip nito at busangot dahil sa kanyang sinabi, halatang uminit na rin ang ulo nito.


"At bakit, sino bang nagsabi sa iyo na maghintay ka? I don't remember telling you to wait for me," mataray nitong sabi sabay salubong ng kilay.


Natameme na lamang si Andrew nang mabatid ang kabulastugan na nagawa ng mga sandaling iyon.


Ganoon na lamang ang pagkataranta niya nang irapan na lang siya ni Lucy sabay talikod, agad itong naglakad paalis papunta sa kabilang kanto ng naturang gusali.


Dali-dali na lang niyang pinaandar ang sasakyang pasunod dito. "Lucy! Hey, Lucy!" pilit papansin niya na lang sa babae.


"What!" singhal nito pakalingon.


Salubong na salubong pa rin ang kilay nito at halatang galit na sa kanya dahil sa pagkakakusot ng mukha nito at pamumula ng mukha.


Tila parang nanliit na lamang si Andrew sa kinalalagyan dahil na rin sa katangahan na nagawa niya ng mga oras na iyon.


"Mabuti pa sumakay ka na, mahirap magcommute ngayon. Tingnan mo ang oras, baka ma-late ka pa sa pagsundo sa mga bata," paliwanag niya na lang.

Their Complexities (Book 3 of 3)Where stories live. Discover now