Face-off

550 23 9
                                    

Hindi nakapagpigil si Andrew ng sarili nang makita niya ang naturang binata kasama ang ama nito nang pumunta sa kanyang opisina nang hapon na iyon.


"You arrogant prick, you set me up!" singhal niya sabay duro sa dito.


"Hala, bakit ako sinisisi niyo!" Ganoon na lang tuloy ang pagtataas ng kilay ng lalake sa kanya.


"Drew, hey! Ano nanaman nangyari at ang init nanaman ng ulo mo sa anak ko." Agad na harang ni Jordan nang mapansin ang akmang paghablot niya rito.


"This kid of yours set me up!" Duro niya na lang muli sa naturang binata.


Agad na napasalubong ng kilay si Jordan nang humarap rito. "Mikael!" malalim nitong sambit sabay panlilisik ng mata sa anak.


"Pa, wala akong ginagawang ganoon," maktol na lamag nito sa ama na tila isang bata.


Mas lalo lang tuloy nag-init ang ulo ni Andrew ang hindi makaimik ang kaibigan sa ginawa nito. Napabuntong hininga lang kasi si Jordan sabay napalinga ng ulo.


"Yes you did, bakit hindi mo pa aminin na sinet-up mo iyong DNA test na iyon!" bulyaw niya na lang rito habang walang patid sa pagduro.


Hindi niya na alintana na nakatingin at pinagbubulungan na siya ng ilang sa mga empleyado niya roon.


"Whoa, whoa Drew, hinay-hinay lang, that accusations a bit too much. Isa pa, you know my son doesn't have the means to do that." Pagpapagitna na kaagad ni Jordan nang makitang halos pulang-pula na ang mukha ng kaibigan.


Wala naman nagawa si Andrew dahil halos yakapin na siya nito habang inilalayo sa naturang binata.


"Oo nga, tsaka kakilala nina Lawndalion iyong gumawa ng test kaya paano ko iyon ma-se-set-up?" balik naman ni Mikael.


"Umamin ka na," singhal niya na lang dito.


Naroon ang matinding poot at inis niya rito ng mga sandaling iyon dahil sa mga sunod-sunod na mga hindi inaasahang pangyayari.


"Drew, that's enough! Bakit naman iyon gagawin ng anak ko," pilit pagpapakalma na lamang ni Jordan nang makitang halos nanlilisik na ang mata niya.


"Because he's trying to stop Lucy and me from getting back together," turan niya na lamang sa kaibigan.


Nakasisiguro siyang sinadya nito na gawin ang bagay na iyon sa mismong araw ng pagtatapat niya ng balak kay Lucy para mapigilan iyon.


"Hindi ko naman kasalanan na anak kayo ng anak sa ibang babae, ah!" bara kaagad ni Mikael.


"Why you!" Ganoon na lamang ang pagtaas ng kanyang dugo dahil sa pagsagot nito. Para bang mayroon pumutok na litid sa kanyang ulo nang marinig ang maangas na tono nito.

Their Complexities (Book 3 of 3)Where stories live. Discover now