Entanglement

1.3K 34 4
                                    

 "Weee!" Masayang saad ng binata habang pinapaikot ang hawak nitong paslit.

Kita ang galak ng mga ito habang naglalaro sa labas ng tahanan. Maingat na pinapaikot ni Mikael ang kambal niya sa mga bisig nito.

"Mama!" sigaw ng munting paslit na lalake nang bigla itong bumitiw at tumakbo papunta sa kanya.

Mabilis naman na sumunod dito sina Mikael na karga ang kakambal ng paslit. Buong lakas ang hagikgik ng mga ito habang patungo sa kanya.

"Oh, pawis na pawis ka na, tama na," sita niya nang yumakap ito sa kanyang binti.

"Nagplay pa po kami eh," napakagat na lamang ito sa labi habang pinapapungay ang mga mata sa kanya.

"Enough na, pagod na si kuya Mikael niyo oh," lambing na saad ni Lucy nang makalapit na ang binata sa kanila habang buhat pa ang kakambal ng anak.

Buong ingat na yakap ng lalake ang paslit at kinikiliti-kiliti pa ito sa leeg kaya naman ganoon na naman ang walang patid na hagikgik nito.

"Ayos lang naman po ako mam Lucy," sambit ni Mikael nang madinig iyon.

Naroon ang buong tamis ng ngiti nito habang mas inilalapit ang pisngi sa mukha ng paslit upang itoy lambingin, yumakap naman dito ang bata na halatang masaya sa atensyon.

Batid ni Lucy ang pagnanais at pagkasabik ng binata ng isang buong pamilya, dahil na rin sa inaasal nito at mga nakaraan na kwento sa kanya.

Hindi tuloy siya matahimik dahil sa inaasal nito at mga ipinapahiwatig, nais niya man itong pagbigyan ay alam niyang impossible na iyon.

Naroon tuloy ang lungkot niya para sa binata dahil tila siya ang dahilan ng hindi pagkakatupad ng pangarap nito, mabigat ang kanyang pakiramdan sapagkat wala siyang maisip na pwedeng gawin ng kung paano ito mapapabitiw sa kung anong meron sila ng hindi ito nasasaktan.

Sabay-sabay silang natigil sa ginagawa at napatingin sa taas nang marinig ang malakas na pagsigaw ni Lawndalion mula sa taas.

"Mikael, pabantayan muna sila." Agad na abot ni Lucy ng anak dito.

Naroon kasi ang panginginig ng dalawang paslit nang marinig ang tuloy-tuloy na alingawngaw ng boses ng nakatatandang kapatid.

Mabilis kumaripas ng takbo si Lucy papunta sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan. Dali-dali niyang binuksan ang pintuan ng kuwarto ng anak nang makarating dito, nadatnan niya itong nakasubsob sa sahig at hindi magkandamayaw sa paggapang.

"Lawn!" gulat na sambit niya pakadapa sa tabi nito. "Ano bang ginagawa mo?" sita niya sa anak habang inaalalayan ito pabalik sa higaan nito.

Nanatili lamang tahimik si Lawn habang ngiwing napapahagulgol sa paghawak sa mga paa nitong hindi maigalaw.

"Mam Lucy, ako na po!" agad na saklolo ni Mikael pakapasok doon.

Halos hindi na kasi maiangat ni Lucy ang anak sa bigat at laki nito sa kanya, kung kaya naman dali-daling sumaklolo ang binata.

Sabay nilang iniangat si Lawndalion pahiga muli sa kama nito, pagkatapos noon ay agad na minasahe ni Mikael ang paa nito.

"It hurts, why does it hurt!" angil ni Lawn na walang patid sa pagkapa sa mga hita.

"Huwag mo muna kasi pilitin na maglakad ng mag-isa," sita ni Mikael habang pinipisil-pisil ang sakong nito.

"Damn it!" Napahampas na lamang si Lawndalion sa kinahihigaan sa sobrang inis, naroon na ang walang patid nitong pagluha.

"Anak tama na, hindi ka aayos niyan kung palagi kang magpupumilit," sermon niya sa anak dahil sa walang patid nitong pagsuntok sa sariling hita.

"I'm not even sure if I can walk again," daing nitong hikbi.

Their Complexities (Book 3 of 3)Where stories live. Discover now