The boy in the middle

1.3K 52 21
                                    

Tatlong katok, iyon lang ang kinailangan ni Andrew upang makuha ang atensyon ng nakahigangbinata sa loob ng silid.

Mabilis sumalubong sa kanya ang matatalim nitong titig na sinamahan pa ng isang litaw na litaw na busangot.

Napatigil ito sa pagsubo sa hawak na ubas at napababa na lang sa hawak na libro na binabasa.

Isang malalim na paglunok ang ginawa niya bago buong tamis na ngumiti sabay kaway dito.

"Hey son!" magiliw niyang bati.

Mas lalo lang napasimangot ang binata sa narinig."What do you want dad?" walang gana nitong sambit bago ibalik ang atensyon sa librong binabasa.

Doon na naglakas loob si Andrew na lumapit dito, agad siyang naupo sa tabi ng higaan ng anak

nang tumagilid ito upang kumuha muli ng prutas sa katabing lamesa.

"I was thinking, maybe this is a good time to have a little talk," malumanay niyang sambit habang pinaglalaro ang mga daliri.

"About what?" walang gana nitong saad.

Nanatili lang ang tingin ni Lawndalion sa libro nito habang kinakagat ang mansanas na hawak.

Napakibit balikat naman si Andrew."You know, things," pilit tawang saad na lang niya dulot na rin ng kakaibang kaba na nadarama ng mga oras na iyon.

Dahan-dahan na napalingon si Lawndalion sa ama, pero naging tuwid at walang emosyon ang mukha nito.

"Just let it out already dad, I don't have time for your bullshits," walang man lang kahit anong mababatid na pagkautal o takot sa boses ni Lawndalion pakasabi noon.

Mabilis tuloy nagsalubong ang kilay ni Andrew, naglaho ang kabog sa kanyang dibdib dahil sa mabilisan pagkulo ng kanyang dugo sa narinig.

"Now look here young man...,"

Dumagundong ang boses ni Andrew sa silid subalit hindi man lang kumurap ang anak niya kahit naroon na ang panlilisik ng mata niya rito.

Hindi niya rin naipagpatuloy ang nais sabihin nang paningkitan siya nito ng mata at biglaan magsalita.

"What, you going to start with the I'm still your dad antics and boast about how you should be respected and treated, though the only thing that you have is existential hierarchy of being our biological producer, simply because you were lucky enough to stick your cock into our mom, causing it's natural phenomena of releasing it's seed in her womb, thus paving the way to our creation but not really doing much after that. With that said, your legality to be given respect and credit of being a father to us is highly debatable, considering you were only present within the first few years of our lives, then gone within the next," tuloy-tuloy nitong litanya.

Inisantabi na lang ni Andrew ang init ng kanyang ulo ng mga oras na iyon, batid niya kasing magtatalo lang sila ng anak dahil halatang malalim pa rin ang galit nito sa kanya.

"I think I'll come back some other time," tiim bagang niyang sabi bago tumayo.

Napabuntong hininga ng malalim si Lawndalion."Just ask what you came to ask already, I don't want you bothering me again," pagrorolyo nito ng mata nang makitang paalis na ang ama.

Naroon ang tampo ni Andrew sa anak dahil sa pamamaraan nito ng pananalita sa kanya, subalit sadyang mas nangingibabaw ang ilan mga bagay at katanungan sa kanya ng mga oras na iyon.

Ikinuyom na lang niya ng madiin ang palad upang pahupain ang galit bago nagdesisyon na muling harapin ang anak.

"You know anything about my friends kid?" malalim na tonong sambit ni Andrew.

Their Complexities (Book 3 of 3)Where stories live. Discover now