Pulling out

731 31 3
                                    

"So, how does it feel to have a younger lover? Mas exciting ba, magaling ba siya, I bet he's more energetic kasi bata pa," sambulat na lamang ng kaibigan sa kanya.


Kasalukuyan silang nasa pool area ng tahanan nito, naka-bathing suit habang nakahiga sa beach bench at umiinom ng malamig na fruit juice. Napagdesisyunan niya kasing kitain ito dahil na rin sa pangugulit at talag na nilang hindi nagkakausap.


Napaangat na lang siya ng suot na shades ng wala sa oras pakabaling dito. "Andrea, ano ka ba!" natatwang sita niya na lang dito.


Ngising-ngisi kasi ito habang nakatagilid sa kinahihigaan at nakatitig ng maloko sa kanya habang hinihintay ang naturang sagot.


"What? I'm curious. Is he better than my cousin?" muli na lang nitong sambit.


Mas lalo lamang nanlaki ang kanyang mga mata kasabay ng pag-angat ng dugo sa kanyang pisngi dahil sa tinuran ng babae.


"Andrea, mamaya may makarinig sa iyo," sita niya na lang dito.


"Oh c'mon, sabihin mo na kasi!" Napaupo na at dali-daling kinuha ang inumin upang sumipsip.


Napabuntong hininga na lamang siya, naroon rin kasi ang parte na naglalaro rin naman ang bagay na iyon sa kanyang isipan.


"Well, its different," tipid niyang sagot habang inaalala ang naturang binata.


"Different like in what manner?" Napakunot noo na lang tuloy si Andrea, habang hinahalo ang inumin nito.


Napabuntong hininga na lang siya ng malalim bago muling isuot ang kanyang shades at humiga muli.


"I enjoy the sex and all, pero I feel like there's something wrong," saad niya sa kaibigan.


Iyon naman kasi talaga ang nadarama niya, lalo na kapag hindi naman siya dinadatnan ng init ng katawan pero tila libog na libog naman ang binata.


"Oh, how come?" Napataas na lamang ng isang kilay si Andrea.


"Naroon kasi iyong part na halos ilang taon lang iyon tanda niya sa mga anak ko, he's as old as my nephew, and that just makes it feel really awkward," napabuga na lang siya ng hangin nang maalala nanaman ang bagay na iyon.


Maliban pa sa kitang-kita naman talaga na hindi pa rin na halos kaugaling-kaugali pa rin ito ng mga anak at pamangkin niya.


"Pero hindi na naman siya bata no," turan na lang ni Andrea na tila napapa-isip na lang rin.


"I know, pero if matagal mo siyang makakasama, halatang batang-bata pa siya talaga," napabusangot na lamang siya nang sumagi sa kanyang isipan kung paano ito makipagbiruan at laro sa kanyang mga anak at pamangkin noon minsan na bumisita sila sa kapatid.


"So, you're just keeping him for sex." Ganoon na lamang ang pagkusot ng mukha ni Andrea na mayroon malapad na ngisi sa mukha.

Their Complexities (Book 3 of 3)Where stories live. Discover now