Good surprises

909 37 2
                                    

 "Hey Mikael, nasaan ka na?" magiliw niyang sagot sa telepono.


Itinigil niya na muna ang pag-aayos upang mapagtuunan ng pansin ang pakikipag-usap dito.


Isang malalim na buntong hininga naman ang kumawala sa binata nang madinig ang kanyang boses.


"Mam Lucy, sorry, mukhang hindi po ako makakadaan diyan ngayon," nanghihina nitong sagot.


"Oh bakit, ano nangyari?" Malungkot na pagkunot niya ng noo nang mabatid ang kakaibang tono sa boses nito.


"Iyong isa po kasing client namin nagkaroon ng problema, kaya kailangan ko po balikan ngayon. Sorry po talaga, promise, babawi po ako sa inyo," turan ng binata.


Ganoon na lamang ang ngiti niya nang tila makita ang pagnguso nito sa isipan dahil sa pamamaraan ng pagsasalita ng mga sandaling iyon.


"It's alright, sabi ko naman kasi sa iyo mag-focus ka muna sa work mo eh," ngiting sita na lang niya sa binata.


Batid niya naman kasi ang pagseseryoso nito sa bagong negosyo at ang pilit nitong pagbawi sa ama, kaya naman kahit naroon ang medyo kawalan nito ng oras ay hindi niya na alintana dahil alam niya naman na para iyon sa ikabubuti ng binata.


Muli na lang napabuntong hininga ng malalim si Mikael. "Hindi ko po expected na sobrang metikuloso nang kleyente ni papa," halos pabulong na nitong saad.


"Make sure na maayos mo na iyan, papa mo ang maiipit diyan kapag nagkataon," turan na lang niya nang maalala ang kuwento ng kapatid ukol sa kasalukuyan negosyo nito.


Napabuga na lang si Mikael ng malakas na hangin. "Oo nga po."


"Basta focus ka na muna diyan, okay. Huwag mo akong alalahanin," paninigurado niya.


Alam niya naman kasi na pinipilit pa rin nito na pag-ukulan siya ng oras kahit ilang beses na niyang sinabi na hindi na naman iyon kailangan.


Batid ni Lucy ang kakaibang pagod ng binata kahit hindi niya pa ito nakikita ng mga panahon iyon kaya naman nakadama na lang rin siya ng pag-aalala para rito.


"Thank you po mam Lucy and pasensya na talaga," lambing nitong saad.


Doon na siya napangiti nang marinig na medyo naging magaan na muli ang boses nito. "Don't worry about it, ang importante is maayos mo iyan na trabaho mo, alright," buong galak na sambit niya na lang.


Hindi niya rin naman gustong maging dahilan ng problema nito, lalo pa at tila palagi siya ang nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ito ng aberya.

"Okay." magiliw na sagot ni Mikael.


Kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam niya nang mapagtanto ang tuwa sa tono ng binata. "Sige, I'll just see you kapag nakaluwagluwag ka na sa schedule mo, okay."


"Okay po." masaya nitong saad.


"Sige na bye."

Their Complexities (Book 3 of 3)Where stories live. Discover now