Confrontations

627 35 8
                                    

Kasalukuyan na silang nasa may sala ng condo nito, habang ang babae naman nito ay nanatili na muna sa kuwarto. Nakapagdamit na rin ng maayos ang binata kaya naman siya na ang kumakausap dito habang nakaupo sa sofa, si Andrew naman ay kasama si Jordan sa kusina sa bandang hapag, tulala pa rin matapos magkamalay kahit kanina pa pinapaliwanagan.


"Mam Lucy, galit po ba kayo? Diba sabi niyo po, okay lang naman na sumubok ako sa iba," ngusong sambit ng binata na hindi mapakali sa kinauupuan nito.


"Mikael, look at me!" Turo na lang niya sa sarili. "I told you, its all right, okay," maingat niyang haplos sa pisngi ng binata para pakalmahin ito.


"So, ayos lang po tayo?" Naroon na ang unti-unting pagliwanag ng mga mata nito kasabay ng bahagyang pagngiti.


Napabuntong hininga na lamang siya sabay hilot sa sintido. "Not in that sense anymore," agad niyang bara sa binata nang mabatid ang ninanais nito.


"Ba-Bakit naman po?" ganoon na lamang ang mabilis na pagnguso ng binata.


Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya nang mag-angat na ng tingin dito. "Mikael, things need to change now, you manage to get a girl pregnant, you need to take responsibility for that and focus your attention all on her," pagdidiin niya rito.


"Pero mam Lucy, I'm not even sure if its mine," bulalas na lamang ni Mikael.


"What!" Ganoon na lamang ang panlalaki niya ng mata sa binata. "What do you mean by that, you were just having sex with her a while ago tapos sasabihin mo iyan ngayon!" inis niyang sermon sa binata dahil sa narinig.


"Kinukulit niya kasi ako, siya naman po talaga may gusto noon eh," ngusong paliwanag naman nito


"Mikael!" Mas lalo lamang tuloy kumulo ang dugo niya, maliban kasi sa parang nagtutunog Andrew na ito ay hindi niya lubos akalain na magkakaganoon ang binata matapos ng lahat ng pangaral niya rito noon. "Nakikita mo ba iyong nangyayari sa papa mo, he's literally having a breakdown right now from all this," sermon niya sabay turo kay Jordan.


Maliban doon ay hindi niya maipagkakaila ang biglaan paglukob ng galit sa kanya dahil sa pagtanggi at pagpapalusot pa nito sa nagawang kasalanan.


"I...I was just trying to be nice and responsible for what happened to her," yukong pasubali na lang ni Mikael.


"So who's child is she carrying?" singhal niya sa binata dahil medyo naguguluhan na siya ng mga sandaling iyon sa mga nangyayari.


"I do have some people in mind." Napakamot na lang sa batok ang binata.


Mas lalo lamang napasalubong ng kilay si Lucy rito. "Then why aren't they the ones taking responsibility for this, why is she here with you, and why do you even know who they are?" hindi na niya napigilan ang sarili dahil na rin sa inis at galit dulot ng kalituhan.


"Cause its all my fault," halos pabulong na lang nitong sambit.


Their Complexities (Book 3 of 3)Where stories live. Discover now