Let's get it on!

788 30 10
                                    

Malalim ang kanyang paghinga sa bawat pagdampi ng kamay na humahagod sa kanyang likod. Unti-unti noon napapawi ang pagod na kanyang nadarama kaya naman halos mahimbing na siya ng mga sandaling iyon, hanggang sa madinig niya na lamang ang mahihinang hagikgik sa kanyang tenga.


"Sir, tapos na po iyong masahe, tuloy na ba tayo sa usual sir?" turan nito pakatapos ng ginagawa.


Mabilis naglikot ang mga palad ng babae mula sa kanyang likod pababa sa kanyang pwetan, akmang isisiksik na sana nito pa-ikot sa kanyang harapan ang mga kamay nang maisipan niya ng bumangon mula sa pagkakahiga ng padapa.


"No, not today, thank you," mabilis niyang sambit habang iniaayos ang pagkakapulupot ng tuwalya sa kanyang baywang.


Napataas na lamang ang dilag ng kilay sa kanyang inasal dahil na rin sa biglaan niyang pag-aayos. Agad na lang niyang inabot ang pitaka upang kumuha ng ilang pirasong papel na pera para ibigay sa babaeng halos hubad na rin sa likod niya.


Mabilis na bura ang pag-aalinlangan sa mukha nito at napangiti na lamang habang kinukuha iyon.


"Thank you sir," masayang sambit nito habang umaalis sa kanyang likuran.


Nagdesisyon na siyang magbihis dahil na rin sa kawalan ng gana ng mga sandaling iyon, lalo pa at muli nanaman gising ang kanyang diwa.


Wala nanaman tuloy patid ang pagpapa-alala ng kanyang utak ng ilang mga tagpo sa napanood niya noon nakaraan. Malalim ang kanyang nagpahinga sa bawat pagkakataon na maririnig niya sa kanyang isipan ang sarap na sarap na halinghing at ungol ni Lucy, subalit ang talagang ayaw magpatahimik sa kanya ay ang nakahalong anyo ng binata na nakapaibabaw at nagpapaligaya dito.


"Fuck this!" Kuyom kamay na lamang siya na napa-igting ng panga nang muli nanaman lumitaw ang tagpong iyon sa kanyang alaala.


Sa sobrang inis at galit ay hindi na siya nagdalawang isip pa na tawagan ang isang taong alam niyang makapagpapagaan ng kanyang pakiramdam. Laking pasalamat niya at hindi naman siya tinanggihan nito na makipagkita.


Walang atubili at pagdadalawang isip na siyang nagtungo sa napag-usapan nilang lugar at naroon ang kanyang tuwa nang madatnan na itong nakaupo at naghihintay sa kanya sa may bar table roon.


Tahimik na lamang siyang naupo sa tabi nito at nag-angat ng kamay sa bar tender upang makahingi ng maiinom.


"What is it this time? I told you that well be able to finish the job if you don't keep changing your mind about the plans and design," pagngingitngit nito pakahampas sa lamesa.


Bumuntong hininga na lamang siya ng malalim nang mabatid pa rin ang galit nito. "I'm not here for that Jordan. I just...I just need someone to talk to right now," nanghihina niyang sambit.


Napahawak na lamang ito sa mukha sabay buga ng hangin. "I know Raymond had it coming, pero If hindi mo sana inaway si Vincent at ginalit si Luke ng ganoon, eh ayos pa sana tayong lahat ngayon, this is your fucking karma man," singhal na lang nito sa kanya.

Their Complexities (Book 3 of 3)Where stories live. Discover now